Chapter 4: Already There To Catch You

109 10 0
                                    

Nazer POV

Saan na ba kasi yung babaeng yun? No scratch that! Saan na nga ba ang babaeng pinakamamahal ko? Napakawalang kwenta ko namang boyfriend hindi ko man lang alam kung na saan ang girlfriend ko! Your such a jerk Naz!

Tumingin na lang ako sa relo ko kung ilang minuto na ba akong naghahanap sa kanya. Kapag minamalas ka nga naman! Mag-uumpisa na ang klase. Binilisan ko nalang ang kilos ko papaakyat sa 4th floor.

Saktong pagdating ko sa may 4th floor nakita ko ang bukas na elevator. Wtf! Hindi ko man lang naisip na may elevator pala sa school na'to. Bwisit nagpakahirap tuloy akong umakyat sa hagdan.

Napaka occupied na ng utak ko. Until now I can't find her buti nalang at narating ko na din itong room namin.

Nakakapagod hoooh!  Gustuhin ko mang umupo na sa upuan ko kaso hindi muna ako pumasok baka kasi makita ko dito si Cara.

Teka! Kasama ni Lillian si-- teka lang si Alexa ba yun? Umuwi na siya dito? Nasa Pilipinas na siya? At sino yung kasama nila? Si Kinleigh na ba yan? Wow! Ang laki ng pinagbago niya! I didn't recognized her!

Damn! Paniguradong namiss siya ng mga kaibigan niya lalo na ang girlfriend ko. Malamang bestfriend niya yan eh. Ilang taon na din namin siyang hindi nakita kaya nakakagulat kasi bigla siyang umuwi dito. Bakit nga ba sila bumalik dito, especially to Alexa?

Pumasok na sila samantalang ako andito lang nakasandal sa pader siguro naman hindi pa yun pumasok diba? Siguro naman tama lang na maghintay ako dito diba?

Sabagay lagi namang late yun kaso ang sabi ni Ethan na magkasabay sila papunta dito. Hindi ko pa rin maiwasan na magselos sa kanila. Alam ko namang minsan na din nagkagusto si Ethan kay Cara dati.

Dati pa naman yun. It was all in the past kaya kailangan ng kalimutan.

Hindi naman kasing mahirap mahalin si Cara sa totoo niyan napakaswerte ko dahil sa lahat ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya ako ang pinili niya. Kaya hinding hindi ko na siya papakawalan nakatatak na yan sa isipan ko.

'Hi classm-- Aray! Ano ba yan Alexa!' Lillian

'Hehe sorry ' Alexa

'Ewan ko sayo! ' Lillian

'Waaaah! Infinity namiss ko kayo. Did you miss me? ' rinig kong sabi ni Kinleigh.

Panigurado umiral na naman ang pagkahyper ni Kin, mas bagay nga kapag ganyan siya eh kaysa sa magsungit. Alam naman kasi naming lahat na ubod ng sungit yang babaeng yan.

' Hala? Girls sino to? ' Cara

Oh!That's her voice! Damn I really miss her so much halos dalawang buwan din kami hindi nagkita. Kami nga pero hindi alam ng magulang niya. Kasi ayaw niya munang ipaalam sa kanila. Ayaw niya muna sa ngayon.

Noong una nag-alangan ako kasi gusto kong humingi ng permiso sa mom at dad niya pero siya na mismo ang nagsabi na huwag muna. Labag man sa kalooban ko pero kailangan ko ding respetuhin ang desisyon niya.

Oo aaminin ko sobrang hirap ng ganitong sitwasyon yung tipong wala kang magawa kundi itago ang relasyon niyo sa magulang ng babaeng pinakamamahal mo. Mahirap pero kailangan. Alam ko namang may tamang panahon din para sa amin.

Cycle of Love (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon