Chapter 3: First Day High

128 10 1
                                    

Nichole POV

Habang nagcoconcert ang EXO tumawag yung asawa ko which is my Yeolie na makakapartner niya for a duet song.

At nagulat na lang ako kasi nakatingin sya sa bandang inuupuan ko, then he asked me.

' Miss, may I? ' Inabot niya sa akin ang malambot niyang kamay. Like omg! Tumango lang ako syempre tatangi pa ba ako? No! A big no! Si Chanyeol bebe ko! Sana hindi na matapos ang araw na ito.

Nang bigla kaming nagkatinginan with in 10 seconds. Shems! Kakalimutan ko muna yung boyfriend ko para sayo Jagiya.

Grabe talaga! Ang ganda ng mata niya , ang tangos ng ilong, napaka kissable ng lips niya. Omg! Omg! Papalapit ng papalapit yung mukha niya sa akin! Oxygen! Isang inch nalang! Di na ako makahinga hooh! Ito na magki--

' NICHOLE! GUMISING KA NA DYAN! KANINA PA TUMUTUNOG YANG ALARM CLOCK MO! MALIGO KA NA. MALELATE KA NA SA SCHOOL! PAMBIHIRANG BATA 'TO!

Agad naman akong napabangon ng wala sa oras.

' Aish! Ma naman eh! Andoon na yun eh magkikiss na kami ng asawa ko eh. Si Chanyeol ang love of my life ko'

' Hoy Cara Nichole, tigil tigilan mo nga ako sa pagpapantansya mo diyan sa mga Koreano na yan. Anong oras na, wala ka bang balak pumasok? Quarter to 7 na! First day niyo pa naman ngayon sa pasukan'

' Ma, mag-aalas siyete pa naman pala eh. What? Alas siyete na? As in 7:00 am in the morning?'

Nagulat nalang ako ng bigla akong batukan ni Mama.

' Pilosopo lang? Wag mo nga akong sinisigawan baka nakakalimutan mo ako ang nagluwal sayo! '

' Eh? Hehe peace! Ikaw nga ma, ang sakit mo kaya mamatok! But jinja ? Omo! Ayokong ma-late! "

' Cara Nichole! ' Tumakbo nalang ako papuntang banyo. Omo ayokong mabatukan ulit ng nanay ko. Binilisan ko lang yung kilos ko. Ugh! Ang ganda na ng panaginip ko eh!

Asar talaga! Dinalian ko na lang ang pagligo ko.

Saktong pagkalabas ko ng banyo wala na si Mama, hooh! Buti naman ayokong mabatukan nagulat lang talaga ako kanina kaya napasigaw ako. Nagbihis na ako kaagad at nag-ayos na din ng sarili.

Time check 7:40 AM. Grabe hindi pa ako kumakain! Banas talaga! Bwisit na alarm clock na yan 'di man lang ako nagising! Bumaba nalang ako para magpaalam kila mama. Late na talaga ako!

' Umma, appa jalgayo! '

' Ano daw hon? ' Rinig kong tanong ni Papa.

' Aba, malay ko dyan sa anak mo ' Sagot naman ni Mama.

' King search mo nga dyan kung ano yung pinagsasabi ng ate mo kanina. Kabayo ata yun? '

' Ma naman eh, nababaliw lang yun si ate '

' Hay naku! Kumain ka na nga lang dito '

Rinig na rinig ko pa din ang mga boses nila. Haha iniwan ko nalang silang nagtatalo .

~

Grabehan! Ngayon pa ako inatake ng asthma kung kailan late na ako! Hooh!

' CARA! '

' Sino yun? Inhale , exhale. Kalma lang Nic kalma. Inhale, exhale hooh! '

' CARA NICHOLE ESTREMOS '

Nakita ko na lang na may lalaking tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko .

' Jay? '

' Anong nangyari sayo? ' Base sa mukha niya alam mo ng nag-aalala siya. Mayayare na naman ba ako nito?

Cycle of Love (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon