Chapter 9: Can We Talk?

58 9 0
                                    


Alexa POV

( 1 message received )

From : Xander

Can we talk?

Papayag ba ako o hindi? Arghh! Oo na nga, para maging malinaw na ang lahat.

To: Xander

Sure, when?

( 1 message received )

From : Xander

Later, 7:00 PM at the old fountain. I hope you will be there :)

( To : Xander )

Yes, I will.

Sana maayos na nga namin 'to. Makapunta nga muna ng library para makatulog. Oo matutulog lang ako dun, hindi naman ako palabasa ng mga libro.

Nag log in muna ako sa may librarian, buti nalang student lang din ang nagbantay ngayon.

Pagkatapos ko mag log-in ay inikot ko muna ang library. Naghahanap kasi ako ng mapagtutulugan strictly prohibited pa naman ang matulog inside the library. Pero dahil pasaway ako at inaantok na talaga ako kaya matutulog ako dito. Bahala sila dyan! 

Grabe, ilang minuto pa lang ako dito pero sumasakit na agad ang ulo ko. Puro libro ba naman ang nakapalibot sayo. Malamang library 'to Alexa eh, magulat ka kung mga hayop ang nandito.

Tsk pati sarili ko binabara ko na din. Inaantok na talaga ako. Makatulog na nga lang total 3:30 pa naman eh. Andito naman na ako sa pinakdulo eh, di naman ata ako mapapansin dito hays.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala ako sa room? Simple lang galing kasi ako sa pool eh. Tinitignan ko ang mga swimmers kung paano sila lumangoy ng maayos.

Isa kasi ako sa mga swimmers dati eh kaso ngayon ako na ang coach nila kumbaga, I'm there student coach. Ano ba yan! Ang dami ko ng sinabi makatulog na nga!

' Miss? '

'Hmmmmm '

'Umm, hindi pa po ba kayo uuwi tayo nalang po kasi ang natitira dito sa library eh '

'Hmmm, ano oras na ba?' Nakapikit pa rin ang mga mata ko inaantok pa talaga ako.

'Mga 7:30 na po ' Maaga pa naman eh pero agad akong napadilat ng naalala kong magkikita pala kami ni Xander ngayon.

' Ano? Shit! 7:30 na? Omo! This can't be happening 4 hours akong nakatulog? Late na ako ugh! '

Oh my gosh! Arghh! Baka isipin nun paimportante ako. But duh, siya naman makikipag-usap eh. Bahala siya dyan! Siguro umuwi na yun. Hindi din naman siya nagtext eh baka di na tuloy.

Bilisan ko na nga lang ng matapos na. Pero 7:30 pa naman ah tsaka bat unti lang na ilaw ang nakabukas? Andito na ako sa may fountain na sinasabi niya but he is not around. Haha,nakakatawa makikipag-usap daw pero where the hell is he ? Trip na naman ba ito!

' Xander! Saan ka na ba? Oo na sorry na kung late ako ng dating. Aba pasalamat ka nga kasi pumunta ako mahalaga kaya yung oras para sa akin kaya magpakita ka na kung hindi sasaksakin ko talaga yang utak mo'

' Grabe! Andami na kayang lamok dito pag ako na dengue humanda ka talaga sakin at wala na kayang gaanong tao dito oh! Yohoooo! Saan ka na? May tao pa ba dito?  Hoy! Mr. Alexander Luis Castillo! Shit naman oh! Sabing magpakita ka na eh!'

' Xander sorry na nga dba kung nalate ako! Magpakita ka na sabi mo mag-uusap tayo. Gaguhan lang? Psh! I think lokohan na naman ito lagi naman eh. Asar naman oh! I hate you I swear! '

Cycle of Love (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon