(revised.)
Heheh trip kong lagyan ng prologue heheh btw enjoy reading.
•••••
3rd Person's POV
"Tapusin mo na yang kinakain mo at malelate ka na" utos ni Sheaffer sa nakababatang kapatid niyang si Shaire na kumakain ng agahan.
Tumango naman ang labing apat na taong gulang na babae at mas binilisan pa ang pagkain.
Siya naman ay pinagpatuloy ang pag inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.
Bigla namang tumunog ang phone niya na nakapatong sa dining table, kaya napakunot ang noo niya.
Kinuha niya naman ang phone at binasa ang text.
'From: Amour
I'll visit there, Amour wait for me'
Napangiti naman siya at biglang nagliwanag ang mga mata niya sa nabasa. She's coming to his house.
Tumayo na si Shaire sa pagkakaupo at isinukbit ang backpack nito sa likod niya at naglakad papalapit sakaniya.
Masigla itong ngumiti sakaniya at dumukwang para halikan siya sa pisngi. She usually does that everytime aalis na siya ng bahay.
"Alis na po ako kuya" wika nito at naglakad na papalabas ng bahay nila.
Bigla naman siyang kinabahan, tinitigan niya lang ang likod ng kapatid habang naglalakad papunta sa pintuan.
Napakalakas ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan si Shaire, hindi siya mapakali.
Bago pa makalabas si Shaire sa pintuan ng bahay nila ay nilingon siya nito at napakalapad na ngiti ang binigay sakaniya.
"Bye kuya!" she waved her hand at him so did he.
He wanted to stop her pero hindi naman niya alam kung bakit niya nararamdaman ang kabang iyon kaya binale wala niya nalang iyon.
Tumunog naman ulit ang phone niya, sa isipang baka ang kasintahan na naman ang nagtext ay agad naman niya itong binuksan at binasa.
'From: fuckerfour
Hey asshole, King called. Theres a meeting later'
Napailing ilang naman siya sa text ng partner niyang si Four sa organisasyong kinabibilangan niya.
'To: fuckerfour
I'll be there fucker'
Reply niya dito at tinungo ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay upang maligo dahil dadating na ang pinakamahal niya.
Nang matapos na siyang maligo, he changed into his business attire at bumaba ng kusina. Its been an hour since his lover texted him at wala padin ito.
Tinext niya ito kung papunta na ba ito at nagluto nalang muna ng paboritong pagkain ng kanyang pinakamamahal. He was smiling from ear to ear while slicing some onions. Nakatuon lang atensyon niya sa pagluluto habang iniisip ang bisitang dadating sa bahay niya.
Nang matapos siyang magluto agad niyang inilapag sa lamesa ng dining table sa dining area ng bahay nila, and he then looked at the watch he was wearing. Two hours have passed pero hindi pa din dumadating ang kasintahan.
Kaya naman kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone para sana tawagan ito at tanungin kung nasaan na ito dahil nagsisimula na siyang magalala para rito. Pero bago pa siya makapagdial ay biglang tumunog ang phone niya at lumabas sa screen ang pangalan ni Abram, na siyang boss niya.

BINABASA MO ANG
Chasing Psychosa
General FictionPSYCHO SERIES #2: SHEAFFER MARTINEZ "Since you're the one who killed my beloved sister, loving you wasn't that easy." -Sheaffer Martinez A member of a secret society, fell in love with the person whom he loathed the most. Would he ever let himself? ...