Chapter 2

224 7 27
                                        

(revised.)

His POV

5 years later...

Inis na itinutok ko ang baril ko sa nagiisang kasama ko dito sa head quarters. Kanina pa to eh, kanina pa ako binubuwisit nito.

"If you're not going to shut your god damn mouth, I won't hesitate to pull the trigger" I warned him while glaring at him.

And as usual tinatawanan lang niya ang banta ko "Calm down Sharp." tumawa ulit ito "I was just joking around"

I tsked and putted my gun down at inilagay iyon sa likod ng pantalon ko at naglakad papalabas ng head quarters.

Five years ago, that son of a bitch, Zeke Alfonso, was recruited by the Proedros himself, he was once a member of the Ithikós dep. Pero nilipat siya dito for some reason.

I was assigned by King to take down some of the illegal frats that are trying their best na ihack yung computer na nagbablock ng mga real identity namin. At sa kasamaang palad, he partnered me with this asshole.

Isa rin si Zeke sa pinakamagaling kaya hindi nalang ako nagreklamo. Kahit masakit siya sa ulo may pakinabang pa din naman.

Nang makalabas ako ng Hara ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at pinaharurot iyon papuntang coffee shop. I've been awake all night trying to chase those hackers away by putting viruses everytime they try to hack us down again.

Nang makarating ako sa coffee shop ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok. Agad namang sumalubong sakin ang napakabangong aroma ng kape. And it clalmed my nerves down.

Nang makarating ako sa counter ay agad kong inorder ang usual order ko, at naghanap ng mauupuan. Mas mabuti nang dito na muna ako tatambay kesa makita na naman ang nakakabuwisit na pagmumukha ni Zeke.

Nang makahanap ako ng mauupuan, malayo sa napakalaking glass window ng coffee shop, kasi baka may magshoshoot to kill sakin ayokong mamatay ng hindi marangal. Agad na akong umupo doon. Maganda naman ang pwesto doon dahil madali kong makikita kung sino ang papasok ng coffee shop sinong lalabas.

Its not that crowded, may kakaunting tao lang ang andito. Well its just six in the morning kaya siguro wala pang masyadong costumer.

Habang naghihintay sa inorder kong kape at pagkain, ay nahagip sa paningin ko ang babaeng nakaitim na trench coat na nakaside view dahil nasa gilid siya ng bintana nakaupo habang sumisimsim ng kape.

My heart tightened as soon as I saw her familiar face. Is that her? Is she back? Kailan pa? She really looks Fylone. My Fylone. Yung buhok lang ang naiiba, Fylone has a long black hair which I fell in love for. While this woman I'm staring at the moment has shoulder lengthed red hair.

Para namang may sariling utak ang katawan ko dahil tumayo ako sa pagkakaupo ng mesa ko at dahan dahang naglakad ang mga paa ko patungo sa direksyon ng babae.

Every step I take, the faster and the louder my heart beats. Parang naglalaban ng puso't isip ko at hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

I felt some strings of hope inside me na sana, siya iyon pero may parang pumipilipit sa galit nito. Nagaaway ang puso't isip ko dahil gustong paniwalaan ng isip ko na hindi siya iyon, na nagkakamali lang ako but my heart is shouting the other way around.

Nang makarating ako sa tapat ng babae ay napatingala naman ito sa gawi ko, bakas ang pagtatakha sa mukha nito.

I was taken aback when I finally saw her face closer. Its really her! Thats Fylone!

"Fylone." I tried my hardest not to stutter.

Kumunot naman ang noo ng dalagang nasa harap ko at umiling "¿Lo siento?" I'm sorry?

Chasing PsychosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon