(revised.)
3rd Person's POV
Tahimik na naglalakad ang isang babaeng naka uneporme ng isang waitress sa isang napaka tahimik na daan hindi gaanong malayo sa cruise ship, mag hahating gabi na at kakatapos lang ng shift niya sa pinagtrabahuang Cruise Ship na nagngangalang Martinez Sea Wonder III. Medyo natagalan siya ng uwi dahil may kasiyahan ang ito dahil anibersaryo umano ng nasabing cruise. Madaming tao kaya't madami ding inaasikaso.
Magisang naglalakad ang babae sa tahimik na daan ng may narinig umano siya ng isang tumatakbong mga yapak sa likod niya na para bang high hills ang tunog dahil sa matinis na tunog nito pagkatumatama ito sa sahig, rinig na rinig niya iyon dahil sa katahimikan ng paligid pero binalewala niya lang ito.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad ng biglang nag ring ang phone niyang nakatago sa bulsa niya.
Napaigtad siya sa kaba at napahinto sa paglalakad upang sagutin ang teleponong nagriring.
"Hello?" sagot niya dito.
"Asan ka na ba Kim? Anong oras na oh! Pasado alas dose na di ka pa uuwi. " rinig niyang boses ng kasintahan.
"Eto na nga eh papauwi na, nag over time lang kasi matagal natapos yung party na ginanap kanina" she scoffed at nagpatuloy na sa paglalakad habang may kausap pa din sa telepono niya.
"dapat kasi sinundo nalang kita, ayaw mo namang magpasundo"
"Kaya ko naman sarili ko eh." sambit niya at bumunting hininga.
"O sige basta magiingat ka ha?" Halata sa boses ng kasintahan niya ang pag aalala.
Napatango tango naman ang dalaga na para bang nakikita siya ng kausap niya "Oo malapit na naman ako sa terminal ng jeep. Bye na" at pinatay na niya ang tawag.
Tahimik ulit siyang naglakad papuntang terminal ng marinig na naman niya ang tumatakbong yapak, papalapit ng papalapit sakaniya.
She ignored it again kahit na hindi na niya maexplain ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam ang gagawin pero patuloy lang siyang naglakad.
Kapagkuwan ay ang kaninang tumatakbong yapak na naririnig niya ay nagiging naglalakad na. Napabuntong hininga siya at medyo napatingala sa langit. Tanging liwanag lang ng buwan ng nagsisilbing ilaw ng gabing iyon. Napakaliwanag nun at buong buo.
Sa ginawa niyang iyon ay medyo kumalma na siya sa kabang kaninang nararamdaman.
Pero agad naman itong bumalik ng bigla nalang may sumipa sakaniya sa likod niya dahilan para mapasubsob siya sa lupa.
"Masarap bang masubsob sa lupa ha?!" rinig niya ang isang pamilar na boses ng isang babae.
Babangon na sana siya ng bigla siyang makaramdam ng hapdi sa likod niya na para bang tinutusok tusok ng isang napakatulis na bagay ang likod niya.
She screamed and whimpered in pain. Hindi niya alam ang gagawin kundi indahin ang nararamdamang hapdi sa likuran niya.
"Ayan napakalandi mo! Hayop ka! Malandi ka malandi!" rinig niyang tili ng babaeng patuloy na sinisipa siya sa likod gamit ang hills ng sapatos na suot nito na sumasaksak sa likoran niya.
Paulit ulit na sinisigaw iyon ng babae hanggang sa magsawa ito sa pagsisipa sakaniya. Buhok na naman niya ang pinunterya. The unknown woman grabbed her hair from the back at marahas itong hinila hanggang sa matanggal ito sa ulo niya.
"Tuloooong!!" she screamed to the tip of her lungs even though its hurting her lungs.
Pero wala siyang napala kundi ang masakit na likod dahil sa saksak na natamo niya.

BINABASA MO ANG
Chasing Psychosa
General FictionPSYCHO SERIES #2: SHEAFFER MARTINEZ "Since you're the one who killed my beloved sister, loving you wasn't that easy." -Sheaffer Martinez A member of a secret society, fell in love with the person whom he loathed the most. Would he ever let himself? ...