CHAPTER 1: Meet The Characters ^^

83 4 0
  • Dedicated kay Ma Althea De Leon
                                    

[ JOSH’S POV ]

TAHIMIK. First impression nila sa akin. Transferee ako dito sa South High School, junior student. Masaya pala mag-aral dito. Kaso, nakakapanibago. Bagong kaeskwela. Bagong mga kaibigan. And especially, ako ay bagong character dito sa Wattyland. I’m Josh Avancena.

Dahil pangatlong taon ko na sa high school. Madami na akong naranasan. Minsan masaya, minsan malungkot. Di ko makakalimutan yung bonding naming ng mga kaklase ko lalo na kapag nagkayayaan na maglaro ng DOTA. Pero di naman po ako adik sa laro na ‘yun, na uubusin ko ang buong araw ko sa paglalaro nun? Mas gugustuhin ko pang mag-review nalang sa bahay. Marunong lang po akong maglaro.

Bilang Junior student, another pressure na naman. Bagong school, mas madaming adjustments. Lalo na dun sa pinanggalingan kong school, nakakakaba yung mga terror teacher.

COCC SEASON. Sa pinanggalingan kong school, two years kong makikita kung paano mag-salute, magrecite ng military alphabet at kung paano gawin ang military exercises. Pero parang ang hirap atang mag-push up. Pero, kahit anong mangyari. Sasali pa din ako. Dagdag ECA din yun. Sayang naman kung papalagpasin ko. Diba?

^^ mensahe ng prinsesa:

ECA – Extra Curricular Activities ( mga activities sa school; dagdag grades )

[ ATHENA’S POV ]

Bilang isang graduating student, oh em! Di nga? Gagraduate na ako ng highschool? HAHA. Maski ako, di makapaniwala. Anyways, ang buhay ng highschool ay makulay. Dito ko na-experience ang maging masaya at maging malungkot. Marami akong di makalimutang pangyayari. Syempre, dito ko naranasan sa South High School ‘yung mga bagay na tinatawag na FIRST. Isa nalang ang di ko pa narirealize. Iyon ay kung paano mainlove.

Senior student na ako ngayong taon. Bukas ‘pag gising ko, college na ako. Oh diba? Ang bilis lang ng araw. Pero syempre, gusto kong sulitin ang pananatili ko dito sa South High School. Gusto ko pang makasama ang mga kaklase ko ng mas matagal. Makalipas ang tatlong taong pagtitiis, isang taon pa, makakaraos na din ako. Nagpapasalamat ako sa parents ko at especially kay Lord, na kung hindi dahil sa kanila, wala akong ngayon dito. Graduation speech am peg? Hindi naman ako excited ‘no? HAHA.

Excited na akong mag-CAT. Nung Junior student pa lang ako, pinangarap ko ng maging CAT officer. Kahit mahirap ang military exercises, nagpursige akong matapos hanggang end of school year. Yung iba kong mga kaklase, nanghinayang nung di nila natapos. Ayan tuloy, private officer lang sila. Ako naman ay Corps S1/ Planning . AHAHA.

^^ mensahe ng prinsesa:

CADET – kapag lalaki.

CADETTE – kapag babae

Actually, wala pa akong idea sa pagiging officer. Or kung paano maghandle ng CO. Tuturuan pa kami ng adviser namin na si Mr. Rosales. Haha! Sarap siguro mag-utos ‘no? yung tipong pagtritripan mo yung handle mo na CO. ‘Wag, bad yun. Haha. Pasensya nap o kung masyado akong madaldal, pero totoo naman kasi. DALDALITA nga ‘yung tawag sa’kin ng mga kaklase ko. I’m Athena Salvador. Haha! Pasensya na po. Bago lang din ako sa Wattyland.

^^ mensahe ng prinsesa:

Pasensya na po ah? Bago lang kasi ako sa Wattpad. 3months na ako. Ee naitry ko lang pong magsulat ng story. Sorry po kung ganyan yan. Sorry po talaga. Sana magustuhan nyo. May readers ba ako? Sana meron. VOTE. COMMENT ( kamusta po yung story ko? ). BE A FAN. ^_^

One Thing Is For Sure.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon