[ JOSH’S POV ]
Medyo nakapag-adjust na ako sa ambiance ng mga students ng South High School. Mababait naman sila, di mahirap pakiusapan. Peaceful ang school na ‘to. Ang haba ng patience ng mga estudyante kaya di mahirap makisama.
COCC SEASON. Officially opened.
“Ang COCC ay isang activity dito sa South High School. Na kung saan, 25% ang hatak nito sa ECA nyo. Kailangan nyo din ‘to kapag nagcollege na kayo. Di ko naman kayo pinipilit na magCO. Pero kanina, lahat ng pangalan nyo ay pinagbunutan ng mga senior officer students. Meron silang tatlong section. Tuwing military call, iisa lang yun. Pwede naman kayong magquit kung di nyo kakayanin yung pressure ng military exercises.” panimula ni Mr. Rosales, COCC Adviser at Adviser din siya ng IV-A. “Tatawagin ko ang mga names nyo with your officer’s full name, according to your officer’s position. Pero di pa sila ang official officer nyo. Sila muna ang maghahandle sa inyo pansamantala para maturuan kayo sa mga bagay-bagay. Saka na kayo magrorotate kapag okay na kayong lahat at certified na makapasa sa Cadet Officer Candidate Course. Maliwanag ba ang mga sinabi ko, III-A?”
“Yes, Mr. Rosales.” They said in chorus.
Kinakabahan ako. Sana di masungit ‘yung nakabunot sakin. Nakakakaba talaga. Pano kung pahirapan nya ako? Pano kung anu-ano ang mga ipagawa nya? Bumalik ako sa katinuan ng biglang nagsalita si Mr. Rosales. “Avancena, Josh?”
“Po?”
Ayan na. Kinakabahan ako. Sino kaya magiging officer ko?
“Si Miss Lopez ang officer mo, Medic sya. Lopez, Katrina. Maliwanag ba?” sabi nya sa’kin.
I just nod.
Katrina Lopez
Katrina Lopez
Katrina Lopez
Babae ang pansamantala kong officer.
Natapos na ni Mr. Rosales ang pagsabi kung sino ang aming designated officers.
“Yo, bro! babae ang officer mo? Palit tayo.” Sabi sa’kin ng seatmate kong si Victor.
“Hala. Buti pa si Josh, sya lang ang officer na babae sa aming mga boys.” Nanghihinayang na sabi sakin ni Paul, classmate ko.
“Hep! Ganto nalang, ‘wag tayong magpasaway sa kanila. Madali namang gawin ‘yun diba?” suggest ni Kaye, class president namin. “Para di din nila tayo masyadong pahirapan.”
Ayun nga, nag-meeting pa kami ng mga dapat naming gawin para maging madali ang proseso ng COCC. At para na din makilala ko yung officer ko. Excited na ako na medyo kinakabahan.
[ ATHENA’S POV ]
As expected, CAT SEASON. Naalala ko na naman yung mga kalokohan na pinaggagagawa naming nung Junior kami. Masyado kasing mababait yum mga senior noon. Ayun, tinatrato nila kami na parang nakababatang kapatid. Hindi naging miserable ang Junior days namin. Challenging sya, oo. Pero, dobleng saya naman. Kahit na minsan ay pahirapan sa military exercises, enjoy lang kami. Lahat ng paghirap ko sa COCC, nagbunga ng maganda. G1 officer ako, unang babaeng nasa mataas na rank.
“Dapat pala tinapos ko na yung COCC na ‘yan. Edi sana, kahit papaano, may rank ako kahit Medic lang.” paghihinayang na sabi ni Chelle.
“Pano ba naman kasi, puro kaartehan inuuna mo.” Sabi sa kanya ni Alexandra.
“Nagsalita ang hindi! Hmp.” Nagback-out nalang sya.
BINABASA MO ANG
One Thing Is For Sure.
Teen FictionWhen we love, it isn't because the person's perfect, it's because we learn to see an imperfect person perfectly.