[ ATHENA’S POV]
“Di ka naman matagal ‘no?” sita sakin ni Clyde.
“Aysows, may namumuong pag-ibig.” Pang-aasar ni Alexandra. “Mamaya nyan, altar na diretso nyo ah?”
“Grabe? Kasalan agad? Di pa nga sya nanliligaw ee” sabi ko naman.
Pano ba naman kasi kung makaasta sya para ko na siyang Boyfriend. Hello? Mataas kaya ang standard ko.
“May namumuong sama ng panahon.” Singit naman ni Dustin.
“Nakaw. Ewan ko sa inyo.” Pagkasabi ko, back out am peg ko. Ako na naman ang trip nila. Nakakainis kaya. Tapos kung makaasta naman si Clyde, parang boyfriend ko na.
[ JOSH’S POV]
Boring itong maghapon na ito. Wala naman akong magawa ee. Nireview ko lang yung papel na binigay ni Ma’am Katrina. Actually, nahihirapan ako. Ang dami ba naman kasi ee. Nachallenge ako masyado. Sino kaya ang magiging officer ko? Sana di sya masungit. Okay lang kung strict. Sana ma-enjoy ko ang COCC.
Napatingin ako sa bintana ng room naming kase may maingay dun sa baba. Mga IV-A pala. Nag-aasaran sila, nagkakatuwaan. Kungsabagay, transferee student kasi ako kaya wala pang pumapansin sa’kin. I am planning to make good friends this year, para di boring ang highschool life ko. Graduating na dapat ako this year. Sayang. Late kasi ako nag-aral ng highschool ee.
“Di ka naman matagal ‘no?” sabi nung maputing lalaki.
“Aysows, may namumuong pag-ibig.” Sabi nung girl na kasama ni Ma’am Katrina kanina “Mamaya nyan, altar na diretso nyo ah?”
“Grabe? Kasalan agad? Di pa nga sya nanliligaw ee” sabi naman nung isa. Ang cute ng itsura nya, napipikon na sya. Namumula na yung cheeks nya sa sobrang galit.
“May namumuong sama ng panahon.”
Haha. Natawa ako dun sa sinabi ni kuya. Di ko alam name niya. Ang kulit. Anu bang meron sa dalawang yun, diba?
“Nakaw. Ewan ko sa inyo.”
Hala. Nagback out na si Ate. Napikon na ata dun sa pang-aasar ng mga kaklase nya. Ang lakas mangtrip ng IV-A. Yung section nila ang pinakasikat dito sa South High School. Napansin ko lang na nasa section na nila ang hanap ng ibang year.
“Ano tinatawa-tawa mo dyan?” nagulat ako dun sa babaeng nagsalita.
“Wala. Ee ano naman sa’yo?” nasungitan ko siya. Bawas pogi points yun. Pano ba naman kase, ang saya ng view sa baba habang tinitingnan kong magkulitan ang IV-A tapos bigla siyang eepal at mang-iistorbo? Ang saklap naman ng kapalaran ko.
“Ang sungit mo naman, kuya.” Sabi nya. “By the way, I’m Xandra. Xandra Dela Vega.”
“And so?” sabi ko sa sarili ko.
Ayoko pa naman sa lahat ay yung babae na nagtitake advantage. Ang sagwang tignan ee.
Tapos inabot nya yung kamay nya para makipag-shake hands. Inabot ko naman yung kamay nya. May pagka-gentleman naman ako ee. At di ko hilig ang magpahiya ng babae.
“I’m Josh Avancena. Josh nalang itawag mo sa’kin.” Tugon ko sa kanya.
“Ang cute naman ng name mo. Parang ikaw.”
BINABASA MO ANG
One Thing Is For Sure.
Novela JuvenilWhen we love, it isn't because the person's perfect, it's because we learn to see an imperfect person perfectly.