Chapter 15 (His Feelings)

159 23 7
                                    

Veniel's POV

Hindi ako pumasok ngayong araw dahil badtrip ako sa aking santa-santitang kapatid na walang ibang gustong gawin kung hindi ang sisihin ako dahil sa pagkamatay ng aking ina.

Actually sya yung sinasabi ko kay Cheska na twin sister ko.

Tungkol sa sinabi ko sa kanya noon, yung wag ko na lang sya ipakilala sa kapatid ko kasi baka mapahamak lang sya, totoo yun. Kung baket?? Malalaman nyo rin lahat. Hindi nga lang ngayon.Ang masasabi ko lang, Delikado sya.

Coz' she always get what she wants.

Kahit sarili naming AMA! walang laban sa kanya. Ganun sya katindi na kahit mismong ama namin hindi nya inuurungan.Pero kahit ganyan sya, pinipilit ko na lang siyang intindihin dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, kapatid ko pa rin sya.

At walang magbabago dun.

Tiningnan ko ang litrato ng babaeng matagal ko nang gusto. I love her eversince. Hindi nya ako kilala noon, pero sya, kilalang-kilala ko. Simula ng ipakita saken ng pinsan kong si Khi ang batang babae na nasa litrato naattract agad ako sa kanya.

Isang lihim ni Khi ang hinding-hindi ko makakalimutan. Isang lihim na sinabi nya sa akin na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan.

Isang espesyal na bagay na galing sa isa sa espesyal na tao sa buhay nya.

Nakakatuwa dahil dati masyado syang open sa akin. Pero simula ng malaman nya ang katotohanan biglang nagbago ang lahat. Yung magandang samahan namin biglang nasira dahil sa isang pagkakamali.

Ang tanga-tanga ko kasi aksidente akong nahulog sa taong pinakaespesyal sa buhay nya.

I can'blame him kung bakit ngayon ibang-iba na sya. Hindi ko alam kung nagbago na ba ang pagtingin nya sa babaeng gustong-gusto nya NOON.

Pero Ako, siguradong sigurado na walang nagbago. Yung nararamdaman ko sa kanya noon, lalong lumala. Mas MALALIM kesa noon. Ehh sya ba?? Kilala pa ba nya ang pinsan ko? SANA Hindi na.

SELFISH kung SELFISH! Pero hindi ko hahayaang makilala ulit nila ang isa't isa. Ngayong alam ko na meron na akong pag-asa para masabi ko sa kanya yung totoong nararamdaman ko.

Hindi nga lang ngayon, pero maaaring bukas, o sa mga susunod pang mga araw. Bahala na kung kelan man pagbigyan ng pagkakataon.

Basta ngayon, isa lang ang sigurado ko. Mahal na Mahal kita

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

CHESKA!

Cheska's POV

Naparami yata yung kain ko kanina kaya medyo humapdi yung tiyan ko. Pero ngayon naman na nailabas ko na yung sama ng loob ko. Okay na (*Ehem* Alam kong nagets mo! HAHA)

Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan sa sisig na pinabaon saken ni tita. Favorite ko kaya yun. Good for 3 na nga yun kasi sabi ni Tita bigyan ko daw si Quintin at Yshie since sabay naman palagi kaming tatlo kumain.

Lumabas na kami sa CR dahil tapos na rin naman kami magretouch.Pabalik na kami sa classroom at rinig na rinig namin ang sigawan ng aming mga kaklase. Nang makarating na kami sa loob bigla naman silang nagsitahimikan. Takot na lang nila saken. I wont bite naman ehh. XD

"Pabida" Rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Kung pabida ako, MALANDI naman sya. Alam ko naman kasing nakikipagharutan lang sya dun sa katabi nya.

Psh. Sa school na toh, 30% lang ang sumusunod sa rules 70% ang hindi.

Oh alam nyo na?

"Class! Since this is your last subject at sa tingin ko naman eh hindi rin ako makakaabot para makapagklase pa mamaya, Pwede na kayong umuwi. Next meeting na lang tayo magkita-kita ulit"

"Talaga Sir? Bakit po pala?" Tanong ko.

Syempre naninigurado rin.

"May urgent meeting kasi kami.Pinapatawag kami ni Mr.Villanueva sa office nya ngayon"

Then nagsmile si Sir. Isa sya sa paborito kong teacher. Hate ko nga lang yung tinuturo nya.Puro numbers kasi ehh. Nakakatanga.

Umalis na si Sir at kanya-kanya namang ayusan ng mga classmate ko.Ako naman, kinuha lang ang bag sa upuan sabay tayo.Walang ayos-ayos dahil kung Maganda ka, Maganda ka talaga diba??

Sabay-sabay na kaming tatlo lumabas at naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko. Agad kong kinuha ito sa aking bulsa at binasa ang laman ng text message.

From: Veniel

Tell me kung kelan ka Free! Hindi kasi ako pumasok ngayon eh.Boring pa dito sa bahay.

Kapag sinuswerte ka nga naman Oh! Thank you lord. Bait mo talaga :)

This is it. Mahabang oras ko sya makakasama. Magkikita ulit kami ng long time Crush ko

Mabuti na lang at meron pa akong balance kaya nagsend pa yung message ko sa kanya. Sabi ko sunduin na lang nya ko sa bahay kasi kelangan ko munang magpalit ng damit.

Nagpahatid na muna ako kay Quintin.

You know, sya lang ang palaging may dalang kotse saming tatlo. Ayos lang naman sa kanya yun eh! Mayaman naman sila XD Samantalahin daw ba?! :P

"Sige Quintin. Thank you sa paghatid. Mwuaah" Then nagflying kiss pa ko sa kanya.

"May flying kiss ka pang nalalaman.Bayad mo. Akala mo libre ha?" Tapos tinapat nya sa harap ko yung kamay nya na para bang naniningil ng utang.

"Sampal gusto mo?" Tinarayan ko sya. Natural na samen yung ganun. Walang seryosohan.

"Haha. Eto naman hindi mabiro.Sige na Goodluck sa Date nyo. Byieeee"

At agad nyang pinaandar ang sasakyan nya.

Bakit nya nalaman?? Chismosa talaga yun! Lahat alam XD At saka anong date? Nasa stage pa lang kami ng Getting to Know each other noh?!

Landi talaga ni Cheska Romero.

--

Guuuuuys :) Isang lihim ang natuklasan !!! Veniel is inlove with Cheska?? Teka! Pano si Khi?? Sino ba talaga sya??

Commeeeeent Please :3

THE HEARTBREAK UNIVERSITY(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon