Chapter 22 (Conscience)

120 8 3
                                    

A/N: Read the other On-Going story of mine entitled "My Name is Desperate" I need your support Guys. Thankyou so much ♡♡♡

"Cheska sigurado ka bang wala ka ng naiwang gamit?"

Pasakay na kami ng bus ngayon dahil pauwi na kami ngayong araw.

Kamalas-malasan nga naman dahil kung sino na lang daw yung magkakatabi sa bus nung pumunta rito eh sila na rin daw ulit ang magkatabi para daw wala ng mag-agawan sa pwesto.

So, ibig sabihin pala magkatabi na naman kaming dalawa? Kokonsensyahin na naman nya ko sa mga sinabi nya saken nung nakaraang gabi.

Tsk.

**FLASHBACK**

"Gusto mo talaga malaman?" Nagnod lang ako bilang sagot.

"Kasi kayo yung dahilan kung bakit hindi buo yung pamilya namin"

Napatigil ako sandali ng marinig ko ang sinabi nya. Paano nangyari yun? Wala akong alam.

"Alam mo ba kung baket? Kasi mahal pa ni Dad si Tita Danna"

"Imposible yang sinasabi mo"

Dahil may asawa na si Mommy. Masaya na sya kay Daddy ngayon.

"Nothing is imposible Cheska. Sa tingin mo ba niloloko lang kita?"

Seryoso ba talaga sya sa sinasabi nya?

"May asawa na si Mommy. Masaya na silang dalawa ni Daddy ngayon. Sa tingin mo ba, mamahalin pa sya ni Ninong kung alam naman nyang wala ng pag-asa?"

"Sinasabi mo yan kasi hindi mo naman alam ang nangyayari. Sa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng oras sa pakikikag-usap sayo kung hindi ako seryoso sa mga sinasabi ko?"

Kahit anong gawin ko, parang ayaw ng isip kong maniwala sa mga sinasabi nya.

"Nandun na nga tayo Hyacinth eh! Gusto kong maniwala sayo pero napakaimposible ng sinasabi mo. May Past si Mommy at Ninong, alam ko yun. Pero pareho na silang may asawa. May sari-sarili na silang buhay Hyacinth. Pinakasalan na nga ni Ninong ang mama mo diba?

Hindi pa ba sapat na dahilan yun sayo para paniwalaan na hindi na nya mahal si Mommy?"

Alam kong naiinis na sya sa akin ngayon. Nakikita ko iyon sa ekspresyon ng mukha nya.

"Naaalala mo pa ba nung isinama kita sa bahay? Diba ang sabi saken ni Mama layuan daw kita? Alam mo ba kung BAKIT?? Kasi nga ikaw ang anak ni Tita Danna. Galit na galit si Mama sa Mommy mo.

Sinasabi ko na nga sayo yung dahilan ayaw mo pa rin maniwala"

Naiinis na rin ako sa kanya dahil paulit ulit na lang kami sa pagtatalo namin pero wala pa ring nangyayari.

"Kaya nga sobrang bait sayo ni Daddy eh. Yung tipong gawain ng isang presidente na dapat eh ikaw ang gagawa, inaako nya. Tama diba??

Sya pa nga ang nakiusap sayo na kunin ang offer nya diba? Hindi rin ba sapat yun CHESKA para paniwalaan ang mga sinasabi ko?"

"So? What do you want me to do? Basta-basta na lang kita paniwalaan sa mga sinasabi mo?"

"The f*ck Cheska! Im just stating the Obvious. Alam mo kung anong gusto kong gawin mo?"

"Ano?"

"Ask him"

** END OF FLASHBACK **

Mabuti na lang at wala pa siya dahil sigurado ako uunahan na naman ako nun sa paborito kong pwesto.

Yayy! Napakswerte ko ngayon.

"SB Ako dyan. Baka nakakalimutan mo, pwesto ko yan" Nandito na pala sya.

AYOKO NGA.

"First come, First serve" At ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Ako naman talaga yung nakapwesto dyan eh kaya umusod ka na dito"

Asa naman syang susunod ako.

"Teka! Parang may naaalala ako"

"Ano na namang kalokohan yan?" Umupo sya sa tabi ko at kunwari pang nag-isip.

"Naaalala mo ba yung gabi na nandun tayo sa kwarto mo? Diba may sinabi ka sa akin? Ano nga ulit yun?"

Oww Sh*t! Oo nga pala. Akala ko nakalimutan nya na yun ehh.

Ako nga nakalimutan ko na ehh.

Tss . Magkukunwari na lang ako na wala akong naalala.

"Ano yun? Wala kong sinasabi sayo no? Nananaginip ka lang"

Then nagcrossed-arm na lang ako at tumingin sa labas.

"Talaga? Baka gusto mong ipaalala ko pa sayo?"

"As if i care"

"Kahit ano --- Asgdtghjfl" Tinakpan ko agad ng kamay ko ang bibig nya dahil alam kong  isisigaw nya yun.

Mabuti na lang at hindi nya naituloy.

Pero yung iba napansin yata at tumingin sa side namin.

"Alam ko. Di mo na kailangan pang isigaw. Tss" Nakita ko namang may nabuong ngiti sa labi nya.

"So ano? Exchange na tayo ng pwesto?"

Tumayo ako ng padabog at lumipat sa dati kong pwesto.

"Happy? Ngayong nagawa ko na yung gusto mo, siguro naman kwits na tayo?"

"Who told you?" Anong pinagsasasabi ng gag*ng to?

"Basta wala na kong utang sayo. Period!" Nakakainit sya ng ulo.

Bwiset.

"Diba sabi mo, kahit ano gagawin mo?"

"Oo may sinabi akong ganun. Pero okay na yun diba? Nagawa ko na yung gusto mo?"

Forever stupid talaga sya.

"Kahit ano! Ibig sabihin kahit anong iutos ko sayo, susundin mo. Hindi lang isa"

"Ano na naman ba sinasabi mo? Di kita maintindihan"

"Eh kasi nga tanga ka. Kaya di mo magets. Ang ibig ko lang nman sabihin eh marami pa kong ipapagawa sayo" Ano daw??

"Hoy! Lalaki. Aba umaabuso ka. Wag na nga tayo mag-gaguhan dito"

Nakita ko namang inilagay ulit nya ang earphone sa tenga nya.

"Just shut up your mouth. Gawin mo na lang ang gusto ko. Matuto kang makonsensya"

Nandiyan na naman sya sa konsensya thingy na yan.

Bakit ba kasi ganyan sya saken?

Is it because of my family?

Psh. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. May something kasi sa mga sinasabi nya na parang gusto kong paniwalaan.

Kung tatanungin ko ba si Ninong nakasisiguro ba kong magsasabi sya ng totoo?

Pano kung sabihin nyang HINDI?

Patuloy akong kokonsensyahin ni Hyacinth.

Pero pano kung sabihin nyang OO?

Malamang hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi na lang ako nagsalita kahit na sobrang naiinis na ko sa kanya.

Kaya ko pa namang magtimpi eh.

Muli na namang nanaig ang katahimikan sa aming lahat.

Kung ang kagustuhan nya lang ang paraan para hindi na kami laging nagtatalo gagawin ko.

Kahit na kinakabahan ako sa kanyang magiging KASAGUTAN!

- -

Comment Kayooooo :)

THE HEARTBREAK UNIVERSITY(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon