Chapter 19 (Field Trip)

140 13 3
                                    

A/N: MaguUD na ko XD Sarreh kung talagang usad pagong ang pagUD ko ^^V Dunno kung bakit di ako makapag-isip ng maayos this past few weeks eh. Salamat sa mga tapat na nagbabasa ♥♥♥

Lovelots :*

- -

Sa sobrang bilis ng araw eh hindi ko akalain na ngayon na pala ang Fieldtrip namin.

Kasalukuyan akong nasa kotse ni Tita dahil sya ang maghahatid saken sa school. Dun kasi ang meeting place namin. Remember? School bus ang gagamitin.

Nakakainis nga eh. Late na ako ng 10 minutes. Medyo natagalan na naman ako ng gising. Ewan ko ba kasi kakambal ko na yata ang kabagalan ng paggising ehh!

Tiningnan ko naman ang aking cellphone at puro text messages lang nina Yshie at Quintin ang nandun. Hindi na lang ako nagreply dahil malapit na rin naman kami sa school. Saka wala pala akong load! HAHAHA.

"Nikki we're here. Ready for the Fieldtrip?"

"Yes Tita"

Bumaba na kami sa kotse at tinulungan naman nya ko na dalhin yung gamit ko. Sakto namang nakita namin si Ninong kaya naman hinatid na ko ni Tita sa tapat nung bus na gagamitin namin dahil mukhang ako na lang ang inaantay.

" *tsup* Take Care Nikki" That's why i love her. Napakasupportive nya kasi saken.

"Thank you Tita" Yan na lang ang naitugon ko at pumasok na ako sa sasakyan.

Nang makarating na ako dito, ay agad kong tiningnan kung may mauupuan pa ba ako. Nakita ko namang puno na sa unahan.

Yung totoo?? May space pa ba para saken? Mukha kasing wala na eh T.T

Nakita ko naman si Yshie at Quintin. Mabuti pa sila magkatabi. Hindi ako nainform na good for two lang pala ang seats dito.

"Cheska, since pareho kayang late ni Hyacinth kayo na lang dalawa ang magtabi"

"NO" Pareho naming nasabi. Kararating din lang pala nya.

"Wala ng vacant seats Cheska. Wag na kayong mamili" Okay! Sabi ni Ninong Ehh. Kahit ang totoo AYAW KO TALAGA!

"Ako dyan"

"Ayoko nga. Dyan ka na lang" Kaya ayaw kong katabi ito eh.

Ang gusto ko kasi dun sa may katabi ng bintana. Mas comfortable ako kapag doon nakapwesto eh.

"Sabi nang ako dyan ehh"

"Eh ayaw ko nga. Marunong ka pa saken. Ako ang nauna dito"

=___=

"Mga bata wag na kayong maingay, aalis na tayo"

In the end, sya rin ang nanalo. Tss.

Mas gusto ko talaga dun sa pwesto nya :(

Mahabang katahimikan ang nanaig sa amin. Tiningnan ko ang katabi ko, nakaEarphone. Kaya naman pala walang nang-aasar sa akin.

Dahil sa inggitera ako, hinanap ko rin dun sa dala kong bag yung earphone ko. Hanap dito, Hanap doon, pero hindi ko makita yung earphone.

Tumingin ulit ako sa kanya. Ayoko naman makishare sa kumag na to kasi sigurado akong hindi magpapahiram yan.

Pero ita-try ko rin.

Malay mo.

"Pst!" Kinalabit ko sya ng kinalabit hanggang sa mainis sya saken.

"Ano ba?"

"Share naman tayo dyan sa earphone mo. Please!" Nagpuppy eyes pa ko sa kanya.

"Yuck! Hindi bagay. Ayoko nga" Sabay balik ulit nung earphone sa tenga nya.

THE HEARTBREAK UNIVERSITY(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon