Chapter 16 (Im starting to like him)

182 23 7
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob eh sinalubong na agad ako ng 75 years old kong pinsan. Alam nyo na kung sino sya XD Tinanong naman ni Tita kung bakit napaaga ang uwi ko at sinabi ko naman ang dahilan.

"Uhm Tita! Aalis rin po pala ako ngayon. Magpapalit lang po ako ng damit" Pagpapaalam ko .

"Ayieeeh ~ Magdedate ulit sila ni Kuya Hyacinth!" At kunwari pang kinikilig.

I just raised my eyebrow at saka tumingin kay tita.

"Oh san ka naman pupunta?" Tanong ni Tita.

"Magdedate nga po ulit sila ni Kuya Hyacinth Mommy" Pangungulit ni Yassi.

"Stop it Yassi. Im not talking to you"

Ayan galit na si Tita. Sumasabat kasi eh yan ang napapala.

"Fine" Sabay punta ni Yassi sa sofa at nagkibit balikat.

"Yung kaibigan ko po kasi Tita niyayaya nya akong lumabas. Since wala naman po akong ginagawa pumayag ako"

"Lalaki o Babae?" Yung tono ng pananalita nya nakakatakot.

"L-lalaki po" Medyo nauutal kong sagot.

"I want to see him"

Nagnod na lang ako bilang sagot sabay akyat sa kwarto.Pumunta ako sa aking Walk in Closet at tumingin ng pwedeng masuot. Dress na lang.

Simplicity is beauty.

Wala naman kasi akong fashion sense. Haha! Di bale. Naniniwala naman ako sa kasabihang, Kung maganda ka Maganda ka talaga.

Wag kang tumawa.

Favorite line ko yan.

Bumaba naman kaagad ako matapos akong magbihis.Nafefeel ko kasing nanjan na sya eh.

Narinig ko lang yung kotseng paparating. Malakas ang pang-amoy ko. Lalo na pagdating sa kanya. Joke ^^V Ano ba naman tong naiisip ko puro mga walang kabuluhan.

"Nanjan na yata yung sinasabi mong kaibigan mo.Papasukin mo muna"

Sinunod ko naman si Tita at pinagbuksan ko na sya ng gate.

"Pasok ka muna. Gusto kang makilala ni Tita eh"

"Talaga?" His Smile. Sheeeet. Wag kang ganyan.

Dire-diretso lang kami hanggang makarating sa loob.Kitang-kita ko nman ang reaksiyon ni Yassi ng makita nya ang kasama ko. Biglang kumunot ang noo nya. Aish! Dont mind her.

"Tita si Veniel po. Uhmm! Veniel this is Tita Ruth" Nag-aalinlangan pa ko sa magiging reaksiyon ni Tita.Mabuti na lang at ngumiti sya nawala ang pangamba ko na baka hindi nya magustuhan si Veniel.

"Hello po.Nice meeting You :)"

"Sige maupo ka muna Hijo.Kukuha lang ako ng maiinom" I look at him at sumenyas naman sya saken na okay lang.

Katabi ko nga pala ngayon eh si Yassi. Bale katapat namin si Veniel.

"Nga pala, Veniel this is Yassi my Lil'cousin. Princess this is Kuya veniel" Naghello naman si Veniel sa kanya pero sya tinarayan lang ito. What's her problem ba??

"Im really sorry. Wala lang sya sa Mood" Nakakahiya tuloy :(

"No. Its okay! Mukha naman syang mabait eh.She's also pretty parang i-yung Tita mo" Ano ba yan. Iba yung ineexpect kong sagot eh.

"Here's your drinks" Nakangiting sabi ni Tita habang dala-dala nya yung tray.

"Thank you po" He's so Nice talaga.

THE HEARTBREAK UNIVERSITY(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon