Prologue
Nadudurog ang puso ni Lumia, iniisip kung tama ba ang kaniyang gagawin.
Nasa kanyang mga kamay ang kinabukasan ng kanilang mundo.Wala na siyang maisip na paraan upang matigil ang nangyayaring kaguluhan. Tanging ang "bagay na ito" lamang ang solusyon rito, ito rin ay maari niyang ikamatay.
Sa ilang segundo, nabuo na ang kaniyang desisyon. Desidido na siyang gawin ang kaniyang binabalak.
Walang pag-aalinlangan niyang inipon ang kanyang buong lakas sa kanyang palad. Mula sa kapangyarihan, hanggang sa kaniyang buong kalooban. Inubos niya ang natitirang mahika sa kaniyang katawan.
Dahil sa siya ang may hawak ng kapangyarihan ng bawat nilalang, nagawa niyang kunin ang lahat ng mahika ng bawat isa, dahilan para pansamantalang matigil ang nangyayaring giyera.
Ang limang mga pinagkakatiwalaang tagahawak ng kapangyarihan ni Lumia ay natigil rin sa pakikipagsagupaan. Base sa kanilang mga mukha, alam na nila ang binabalak gawin ni Lumia.
It was days, nang magpulong sila at mapag-usapan ang mga maaring solusyon para sa kaguluhang magaganap. Naihanda na rin nila ang kanilang mga sarili sa oras na gamitin ni Lumia ang last resort sa mga solusyong kanilang napag-usapan.
Walang kaalam-alam ang mga kalaban sa mga nangyayari, kaya sinamantala nila ang pagkakataon upang atakihin ang mga kakampi ni Lumia. Nabigla sila dahil sa ginawa ng kalaban, dahilan upang hindi sila agad nakapalag.
Napatay ang limang tagahawak ng kapangyarihan ng mga kalaban.
Namatay ang lahat, maliban kay Lumia.
Naiwan siyang nag-iisa sa ere. Mula sa madilim na kalangitan ay sinisinagan siya ng bughaw na ilaw.
Natuwa ang pinuno ng kalaban at sumenyas sa lahat ng kakampi nito, upang atakihin ang diyosa.
Tumakbo ang lahat papunta kay Lumia, na napalibutan na ngayon ng mga kaaway.
Bago pa man tuluyang maabot ng mga kalaban, ibinuhos niya ang kaniyang lakas at sumigaw.
Lumia's scream echoed in the place.
"Ahhh", ang malakas niyang sigaw na naging senyas ng pag-alis ng mahika sa mundong kaniyang pinamumunuan. Ito ang solusyong pinaghandaan na nila. Ang pag-alis ng mahika sa kanilang mundo.
Para itong isang fireworks na lumipad sa langit at hindi na babalik pa.
Nagulat ang pinuno ng mga kalaban. "Ang mahika!" malakas nitong sigaw. "Patayin si Lumia!" ramdam na ramdam ang galit sa boses nito. "Bago niyo ako patayin.." may ibinatong puting ilaw ang diyosa sa kalangitan.
Sinugod siya ng mga kaaway at pinatay. Lumapag ang ilaw na binato niya, sa lakas ng impact nito ay nagkaroon ng malakas na lindol sa lugar.
Dahil sa lindol, nagkaroon ng bitak-bitak ang lupa hanggang sa nahawi ito. Dahil sa malakas na lindol, walang nakaligtas sa mga kalaban.
Matapos niyon, tumigil na ang lindol.
Naiwan ang isang payapa at tahimik na gabi sa lugar. Wala nang naging balita matapos ang pangyayari.Ayon sa mga sabi-sabi, ang lahat ng mahika sa lugar na iyon ay nailipat sa Earth. Ngunit dahil sa dami ng tao sa Earth, iilan lamang ang nabigyan ng nasabing mahika.
BINABASA MO ANG
Section-1A
General FictionAranzala Academy, isa sa pinakatanyag na eskuwelahan sa bansa. Hindi lamang sila kilala sa kamangha-mangha nitong pagtuturo, kredibilidad, mahuhusay na guro, kundi pati ang tanyag na tanyag na seksyon sa paaralang ito. Halos lahat ng mga sumusubok...