Chapter 6

22 2 0
                                    

Chapter 6: Tessa

Cyndi's PoV

Wala sa sariling binagsak ko sa kama ang aking katawan. Nagugulo ang isipan kong sino ang lalaking iyon. At ang lalaking nag pagulo rin marahil ng aking damdamin.

Kung baliw siya ay bakit alam niya ang pangalan ko? Baka stalker ko siya diba? My insane stalker? Hindi naman ata nakakatuwa kung ganon siya.

Halos 30 minutes na kong naguguluhan kung sino man yung nagpagulo nang aking isipan. At halos 30 minutes narin akong hindi makatulog.

At lumipas nga ang isang oras sa pag iisip lamang sa kaniya. At ngayon ko lang na realize na ang tanga ko. Napakalaking tanga na pinabayaan lamang ang lalaking umalis na hindi ko alam ang kaniyang pangalan.
Ang tagal na 'ming nakatunganga doon subalit hindi lamang pumasok sa isip ko ang pagtatanong sa kaniyang pangalan. Baka marahil ay dahil sa kaniyang magagandang mga mata kaya na tameme ako. Ay putek bat ba kasi ang gwapo niya? Yan tuloy ang tanga ko.

Hanggang sa nakatulog ako na disappointed sa aking sarili.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa ingay sa labas. Tinignan ko ang wall clock sa tabi nang aking pintuan. It's already 7. Kaya pala ang ingay na sa labas dahil naghahanda na ang mga maid.

Today is Friday and the last day of my first week in the university I used to go.

Naligo muna ako at nagbihis nang aking uniporme bago lumabas.

Pagkalabas ko ay handa na ang hapag kainan. Hinanap ko ang aking ina subalit hindi parin pala siya nakakauwi. She's in business trip. Halos isang linggo siyang wala dito. Sa susunod na linggo pa siya makakauwi.

"Good morning" bati ko sa nakatayong maid sa gilid ng hapagkainan.

"Good morning po." Balik bati nito.

Po? I chuckled. Mas matanda pa siya sa akin ah. I guess she's 23. Pero nag po-po pa siya sa'kin.

"Sit" Wala sa sarili kong tugon sa kaniya. Dali dali naman siyang umupo.

Tumayo ako at kumuha ng isang pinggan at isang pares ng tinidor at kutsara sa tukador.

"Samahan mo kong kumain." Sabi ko nung makabalik ako.

"Wag na po." Mahinhing sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. At sinamaan ng tingin.
Mukhang natatakot ang aming taga-linis at dahan dahan niyang kinuha ang platong binigay ko sa kanya. At nag simulang kumain.

Hindi ako masama. Ayoko lang talaga na wala akong kasabay na kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa mga kasambahay namin.

Pagkalabas ko nang bahay ay hindi na ako nagulat ng may nakaparadang Lamborghini sa tapat ng aming gate. Sigurado akong babawi ito kahapon sa hindi pag sundo sa akin.
Bukas ang bintana ng kaniyang  sasakyan na alimo'y kanina pa naghihintay.

"Hey beautiful." Saad nito sabay kindat sa akin.
Ang loko.

Pumasok na ako sa kaniyang sasakyan subalit sa likod ako umupo.

Nilingon niya ako at may nagsusuyong mukha. Hindi ako galit sa kaniya nong hindi niya ako sinundo kahapon. Gusto ko lang mag tampo.

Nakarating kami sa university na wala akong may inilabas na salita. Ngunit siya'y halos masira na ang bibig ka-ka hingi ng sorry. Ngumiti ako nang patago. Dahil ayokong malaman niyang niloloko ko lang siya. Na hindi naman talaga ako nagtatampo.

Dahil sigurado akong kapag nalaman niya iyon ay aasarin nanaman niya ako.
Lumabas na ako sa kaniyang sasakyan at tanging pag yuko lamang ang aking iginawad sa kaniyang matatamis na mga ngiti.

"Ingat. I'll fetch you later." He said, but then I I just nod him.

Tumalikod na ako't nag simulang pumasok sa unibersidad.

Ngunit tatlong hakbang  pa lang ay nakita ko na ang mga pares ng salamin na kaniyang palaging sinusuot.

Nakatayo siya sa tabi ng gate. Na kung akalain mo ay may tinataguan siya. Hindi niya ata napansin ang aking pagdating dahil naka side view siya sa akin. Nakatingin siya sa labas ng gate na parang may hinahanap na di niya nais makita.

Nilapitan ko siya at talagang hindi niya naramdaman ang aking presensiya dahil nakalapit na ako sa kaniya at panay parin ang tingin niya sa labas.

Mahinhin kong hinawakan ang kaniyang likod. Dinahan dahan ko lang dahil sigurado akong magugulat nanaman siya.

At di nga ako nagkakamali dahil tumalon siya at humarap siya sa'kin na gulat na gulat ang mukha.
Gusto Kong matuwa dahil di bagay sa kaniya ang ganiyang expression. Subalit di ko na ginawa dahil katulad noong una ko siyang kinausap ay tinalikuran rin niya ako ngayon.

Ngunit di ko na siya pinatakas pa. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Subalit hindi siya humarap sa akin.

"Wait. Can I talk to you?" Pakiusap ko sa kaniya.

Pero nanatiling nakatalikod parin siya.

"Please. I have feeling na may something na di ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang ay gusto kitang makausap. Maging kaibigan kong, pwede." Pakiusap ko ulit sa kaniya.

Lumipas ata ang ilang minuto bago siya humarap sa akin. Tumingin siya sa akin na ang kaniyang mga mata ay nakikiusap. Nakikiusap na di ko alam kung ano ang nais niya. Basta nakikita ko sa mga mata niyang nakikiusap siya.

"Please. Let me alone" She lastly said.
At tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak sa kaniya. At misteryusong umalis.

Na para bang hindi siya ang Tessa na nakilala ko. She seems like a stranger. She like a stranger approaches me last night.

Mga hindi ko kilalang tao pero ramdam ko na sila ay mahalaga sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon