02 / opening powerpoint.

598 8 10
                                    

"ano ba kasi 'to?" bulong ni jimin at pinindot ang attachment na sinend ni taehyung sa kaniya kanina.

Opening Powerpoint...

"powerpoint? what the heck- ano 'to?"

pinindot niya ang F5 at nagsimulang mag-flash ang unang slide.

10 Reasons Why You Should Crushback Me

by Kim Taehyung

natawa na lamang siya sa nakasulat sa unang pahina. "siraulo."

pinindot niya ang enter at lumabas ang pangalawang slide.

first of all, why wouldn't you crushback me? i'm so cute kaya, hehe.

hindi ko alam kung bakit hindi mo 'ko crushback. kaya ginawa ko ang presentation na 'to para sa 'yo. oo, para sa 'yo. for park jimin. HAHAHA

anyway, proceed to the next slide.

umiiling na bumuntong hininga si jimin bago pindutin ulit ang enter.
-

CRUSHBACK. ¦ VMinWhere stories live. Discover now