16 / bonding.

384 6 4
                                    

third person's.

Incoming Call from Kookie

[hello! hyung, nasaan ka na raw?]

"paalis pa lang ako ng bahay." kinuha niya ang susi, wallet at earphones niya at nilagay ito sa maliit na shoulder bag. sinuot niya ito sa kaniyang katawan saka lumabas ng bahay. hindi niya kinalimutang i-lock ang pinto.

[paalis ka pa lang? punyeta! sige, take your time.]

"hehe, sorry. pero ito na oh, tumatakbo na ako."

malapit lang kasi 'yung parke na sinasabi ni jungkook mula sa subdivision nina taehyung kaya kayang-kaya itong lakarin.

[sige, hyung. see you.]

"sige bye, see you."

Call Ended

binaba na niya ang tawag at nilagay ang phone sa loob ng bag.

ilang minuto ang lumipas nang makarating siya sa youth park. hingal na hingal siya. nilinga-linga niya ang paningin sa paligid. nasaan ba sila?

kukunin na sana niya ang cellphone para i-text si jungkook ngunit naudlot ito nang may tumawag sa kaniya. "taehyung hyung!"

naglakad siya papunta sa kung nasaan sina jungkook. "sorry, guys."

"ikaw, lagi ka na lang late kapag may gala tayo." sabi sa kaniya ni hoseok at ngumiti na lang siya.

"tara na. saan niyo ba gustong kumain?" tanong naman ni yoongi at tumayo mula sa kinauupuang bench.

"bonchon!" sabay na sabi ng 95z at namula naman ang pisngi ni taehyung at ngumiti naman nang bahagya si jimin.

"sige, sige. sa bonchon tayo. let's go!" masiglang sabi ni hoseok at kumapit sa boyfriend niyang si yoongi.

nag-taxi na lang sila since malayo 'yung bonchon at mapapagod lang sila kung lalakarin nila. kasi nga malayo.

"jungkook, bakit hindi mo sinama si yerim?" tanong ni namjoon at napatingin naman sa kaniya ang pinakabata.

nakikinig naman si taehyung sa usapan nila. jimin's beside him, his head leaning on his shoulder.

"sinabihan ko nga, kaso tumanggi naman. hindi naman daw sa ayaw niya pero naa-out of place daw kasi siya kapag may iba kaming kasama, so, yeah." sagot ni jungkook at nginitian si namjoon.

"jusko! halos isang taon na kayo, nahihiya pa rin siya sa 'min?" tanong naman ni seokjin na nanlalaki ang mga mata.

"hindi ko alam do'n." sabi na lang ni jungkook at tumawa nang bahagya.

"jiminnie," pagtawag ni taehyung sa bestfriend niya at binangon naman ni jimin ang ulo niya at tumingin kay taehyung.

"hm?"

"nakakahiya 'yung powerpoint na sinend ko sa 'yo. kung ano-anong sinasabi ko do'n. nahihiya ako." ngumuso siya at tumingin sa baba.

"why would you- taehyung, look at me." ikinawit ni jimin ang daliri niya sa baba ni taehyung para mapatingin ito sa kaniya. tinitigan niya ito sa mata ngunit pagala-gala ang mata ni taehyung.

"taehyung, sa 'kin ka tumingin." jimin suggests.

"no, i'm shy." his pout grew even more.

jimin giggles and tickles taehyung's chin, "don't be shy. hey, it's okay. the presentation was really good. i really appreciate it. i admire even detail of it. sobrang ganda, promise."

"talaga? hindi mo 'ko chinacharot?" tanong ni taehyung at tumawa na naman si jimin.

"seryoso ako, taehyung. sobrang ganda ng presentation, atsaka 'yung nilalaman." tinanggal ni jimin ang daliri niya sa baba ni taehyung at pinindot ang ilong nito. "syempre pati 'yung gumawa, maganda rin."

"a-ano ba! h-hindi ako maganda. lalaki ako."

"being beautiful doesn't mean you need to be a girl. kahit lalaki ka pa, maganda ka sa paningin ko, taehyung. really."

"jimin, you make all the butterflies ramble in my stomach. nao-overwhelm ako sa mga sinasabi mo. nakakahiya." pabirong hinampas ni taehyung si jimin sa dibdib.

"fine, i'll keep my mouth shut for a while then." ngumiti si jimin at muling pinatong ang ulo sa balikat ni taehyung.

lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay nakarating na sila sa bonchon chicken. nagbayad na si yoongi sa driver at isa-isa silang bumaba ng taxi.

pumasok sila sa loob at halos lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya.

"ang cute no'ng isa."

"sino d'yan?"

"si kuyang may ribbon sa buhok. so cute, parang babae." the girls giggled.

napagtanto ni taehyung na siya pala 'yung pinag-uusapan ng mga babaeng 'yon. hindi niya na lang sila pinansin.

nang makahanap sila ng pwesto ay agad silang umupo. (ganito 'yung pagkakasunod-sunod nila, paikot sila; namjoon, seokjin, yoongi, hoseok, jimin, taehyung, jungkook)

nagsabihan na sila ng order bago tumayo sina hoseok at yoongi para pumunta sa counter upang umorder.

×××

pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa malapit na mall.

una nilang pinuntahan ang arcade. excited na excited pa si jungkook habang bumibili ng tokens.

"noona, tokens po!" tumatalon-talon pa siya habang inaabot 'yung dalawandaan niya do'n sa babae sa counter, napatawa naman si 'yung babae.

nang iabot ng babae 'yung tokens, excited na kinuha 'yon ni jungkook na halos nakalimutan niyang mag-thank you.

pinaghatian nila ang tokens at naghiwa-hiwalay muna (malaki 'yung arcade). sa exit na lang daw sila magkita. naging parang babysitter ni jungkook sina namjoon at seokjin. si hoseok naman ay kanina pa nakakapit kay yoongi na akala mo mawawala siya (sa piling ni yoongi).

"jiminnie, try mo nga kumuha do'n." pagturo ni taehyung sa isang claw machine.

napatingin namin si jimin do'n saka tumingin kay taehyung, "ang hirap d'yan eh."

"try mo lang, please? i want that mickey mouse plushie." nag-pout pa si taehyung. sino ba naman si jimin para tanggihan ang bestfriend niya?

jimin sighs, "fine."

tumalon si taehyung sa tuwa at hinila si jimin papunta do'n sa claw machine.

tinitigan muna ni jimin 'yung plushie na gusto ni taehyung bago siya maglusot ng token sa lusutan.

"go, jiminnie!" pag-cheer ni taehyung at napailing naman si jimin habang nakatawa.

sa unang subok, hindi nakakuha si jimin. pati sa pangalawa at pangatlo.

"ayoko na, ang hirap talaga eh." reklamo ni jimin habang nakakunot ang noo.

"jimin, isang try pa, please? kapag hindi talaga nakuha, hayaan na natin."

bumuntong hininga muli si jimin, "sige."

muling naglusot ng token si jimin at nag-concentrate sa pagkuha ng plushie.

"go, jiminnie!"

"shh, 'wag mo 'ko i-cheer."

"ay, sorry."

nakatitig lang si taehyung do'n sa claw, sinusundan niya ito ng tingin. nanlaki ang mata niya nang mahagip ng claw 'yung plushie na gusto niya.

oh my god. ayan, malapit na. makukuha na, makukuha na, makukuha-

"yes!" sabay nilang sabi at napatalon naman si taehyung sa tuwa.

kinuha na ni jimin 'yung plushie at binigay kay taehyung na excited itong kinuha at niyakap. "thank you, jimin." pagkatapos ay niyakap niya rin ang bestfriend niya.

"basta ikaw, taetae."

kinikilig na naman ako.
-

CRUSHBACK. ¦ VMinWhere stories live. Discover now