Chapter 11
jennie's POV
Nasaan ako ?? Ang dilim ng paligid ko ..
Naglakad ako ng naglakad . Hindi ko man alam kung nasaan ako o kung ano ang nangyayari . Naglakad lang ako ng naglakad .. Hanggang sa makakita ako ng liwanag .
Tumakbo ako ng tumakbo .. Para marating ang liwanag .. Nang malapit na ako , may isang pares ng braso ang humapit sa akin at humila pabalik sa dilim ..
"B-bitawan mo ako !!" sigaw ko habang sinisikap na kumawala sa mahigpit nitong yakap . Pero sa halip na lumuwag ang yakap nya . Lalo itong humihigpit ..
Natigilan ako .. Hindi maaari !! Humarap sa akin ang nagmamay-ari ng braso . At nakita ko ang mapupulang mata na alam kong nakita ko na noon .
"jennie,salamat naman at nagising ka na ." nakangiti nitong sabi . Nilagay nya ang ulo nya sa may dibdib ko .
Wala sa sariling hinawakan ko ang ulo nito at hinimas ang mahaba nitong buhok . Agad ko naman itong tinigil ng ma-realize kubg sino ang babaeng ito .
Tinulak ko ito at lumayo . "S-sino ka ??"
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa . Mahaba ang itim na itim nitong buhok , matangos ang ilong nito , mapungay ang mapupula nitong mga mata . Pahaba ang mukha nito at patulis ang tenga nya . Napalunok ako
Oo sya nga ang babaeng iyon . Dahil sa matangkad sya at malaki ang katawad tulad nung babaeng iyon . Nakasuot ito ng maitim na English Coat . Coat lang mga sis . Wala syang damit pang itaas .. Napalunok ulit ako
Bakit ko ba pagnanasaan ang lalaking pumatay sa pamilya namin ni Kai?
Itinaas nito ang kamay nya at pumitik . Nagliwanag ang paligid . Pero sa halip na matuwa ako , napatanga ako sa nga nakita ko .
Isang magandang babae na may kasamang babae. Kilala ko ang babae . Sya ang lola ng lola ko . Pero bakit kasama nya ang babaeng ito na kasama ko ?
Sumunod naman ang lola ko . Ganun din , kasama din nya ang babaeng ito.
At ang huli , ay ang Masquarade Ball na nangyari mahigit isang buwan na ang nakalilipas ..
Nakatanaw ang babaeng ito mula sa malayo . May galit ang mga mata nya .
Pinatay nya ang lahat ng tao sa loob . Hindi ko na namalayang napaluha na ako dahil , nakita ko kung paano nagmakaawa ang magulang ko .
Sumunod naman ang ginawa nya sa akin.. Tinakpan ko na ang mga mata ko at humagulgol .
"Ano ba ang kasalanan ng pamilya ko sayo ? Bakit mo sila pinatay ?!" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko . "Sino ka ba ? Anong ginawa mo sakin ??"
Sa isang iglap , nasa harapan ko na sya , pinupunasan ang mga luha ko . Tama ba ang nakikita ko ? Nasasaktan sya ?
"Sila ang may kasalanan sakin . Kaya ginawa ko yun sa kanila ." niyakap nya ako . Hindi ko na magawang pumalag dahil hinang hina na ako .
"Sumama ka sa akin . Pakiusap ." bulong nya
BINABASA MO ANG
Sharp Shooter
FanfictionKA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !! "Ang galing galing nyo po talaga President !!" parang isip batang pumalakpak si jisoo ang Vice President ng Student Council KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !! Napalingon si jennie sa pumapalakpak na kasama .. Hindi nya i...