Chapter 13
jungkook's POV
Lumapit ang babaeng tinatawag ni Papa na Master lisa kay jennie. At hinalikan ito .
'Hindi !! Wag mo syang hawakan halimaw ka !!' sigaw ng isip ko . Sana nga lang kaya kong ibuka ang bibig ko para magising si kai at si jennie .
Matagal din ang nakalipas , tumigil na si lisa sa ginagawa nya . Na sya namang pagbangon ni kai at ni jennie.
"jennie!kai!" sa wakas nakapagsalita na ako
Tumingin sila sa akin .. Ang mga mata nila .. Nagbago ..
Ngumiti si jennie.. Ang ganda nya .. Bagay sa kanya ang mapupula nyang mata .. Pero ano ang nangyayari sa kanila ?
"Sa wakas ! Nagawa nyo na Master lisa!!" yumukod si Papa
"Anong nangyayari ?"tanong ko
Parang puppet ang dalawa . Humarap si jennie kay lisa, hinalikan nya ito . Agad din namang tumugon si lisa. Ang pilat sa mukha ni kai, unti unting naghihilom at bumabalik sa dati . Lumapit ito at hinalikan naman ang likod ng kamay ni jennie.
Nang tumigil sila . Tumingin si lisa sakin at ngumisi .
"Hindi sasama si jennie sayo demonyo ka .."
Nilabanan ko ang pagka-paralisa . Nilabanan ko ang kapangyarihan ni lisa.
Hinila ko si jennie at hinalikan . Oo , chance ko ito . Pero hindi ang pagnanasa ko sa kanya ang iniisip ko . Ang layunin ko , ay ang mailigtas sya mula sa demonyong ito
.
Nang hindi sya tumugon . Kinagat ko ang pang-ibaba nyang labi . Kaya naibuka na nya ang bibig nya . Ipinasok ko ang dila ko at hinanap ang dila nya .
Hindi pa rin sya nag-respond . Nagsimula nang tumulo ang luha ko . Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at pinagdikit ang mga noo namin .
"Please , wag kang sumama sa kanya .jennie .. Mahal kita . Mahal na mahal kita ." sh*t ayokong umalis ang babaeng ito
"JENNIE !! MAHAL KITA !! PLEASE WAG KANG SUMAMA SA KANYA !!" sigaw ko habang ganun pa rin ang posisyon naming dalawa .
Tumawa ng malakas si Lisa. Kinuha nya si jennie mula sa akin at nilayo naman ako ni Papa .
"Kaya mo bang ibigay ang lahat para sa kanya ? Kung mahal mo sya .. Mas masasabi kong mahal ko sya . Dahil kahit kailan hindi ko sya sinukuan .." seryoso nitong sabi
"lisa ?" tawag ni jennie
Nanlaki ang mga mata nito .. Bakit ?
Lumingon sa akin si jennie. Ang isang mata nya , bumabalik sa dati .
"Kung yan ang gusto mo , gusto kong iwan sa pangangalaga mo si Kai. Para may nananatiling dahilan ako para bumalik sa lugar na ito ." ngumiti ito
Ang ngiti na matagal ko ng inaasam . Ang ngiti na sya lang ang makakagawa . Oo ! Mahal ko na nga sya . At kaya kong isakripisyo kahit ang buhay ko para lang sa kanya ..
"lisa.. Paki-usap , halika na ." sabi nito
"Masusunod , mahal ko ." si lisa
At sa isang kisap-mata , nawala na sila ng aking papa ..
Napaluhod ako at nagsimulang umiyak .. Oo mahal ko nga sya ! Pero hinayaan ko lang na mawala sya .. Tanga ko mga bro !!
Sinuntok suntok ko ang sarili ko . "G*g* !! G*g* ka talaga jungkook!!" sigaw ko .
Natigilan ako ng may mga kamay na pumigil sakin . Pagtingala ko , nakita ko ang malungkot na mukha ng mga myembro ng SC .
"Tama na pre ." si jisoo
Tinanaw ko ang walang malay na si kai .
"Paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya ?" sabi ko habang sapo ang ulo ko .
"Tutulungan ka namin jungkook." si Mina
"Nakita nyo ang lahat ?" tanong ko
Tumango silang lahat .
"Paralisado kami pero hindi kami nabulag ." si tzuyu
"Tulungan nyo ako . Pakiusap .." pakiusap ko
"Ikaw na muna ang tatayong President sa SC .. Habang wala pa si Prez .." anunsyo ni jisoo
Oo ! Pangangalagaan ko ang mga iniwan ni jennie .. Si kai .. At ang Student Council ..
Warning !! SPG na po karamihan sa mga susunod na chapter ^_^
BINABASA MO ANG
Sharp Shooter
FanfictionKA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !! "Ang galing galing nyo po talaga President !!" parang isip batang pumalakpak si jisoo ang Vice President ng Student Council KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !! Napalingon si jennie sa pumapalakpak na kasama .. Hindi nya i...