KABANATA 1

254 12 3
                                    

KABANATA 1

Investor

I'm looking at my whole looks at this human sized mirror. Tinitingnan ko lang naman 'tong suot kong professional dress baka kasi mag mukhang lusyang ako pagpasok ko sa opisina, nakakahiya naman sa mga Investors.

I have recently obtained the highest position in our company rigth after I graduated. It is owned by my father at ipagkatiwala niya ito sa'kin kaya naman ako ninanamnam ang peg ng pagiging CEO.

Pero of course tambak pa rin sa trabaho no! maraming contract na dapat pirmahan, maraming ka- kumpitensiya tapos ah! basta madaming struggles when it comes to handling a company. My first month were really full of tigth schedules, meeting doon, meeting dito, and it really stressed me so much!

Yung parents ko meron din silang sariling kompanya sa New York kaya ako naiwan dito sa Pinas minsan umuuwi rin naman sila dito para I check ang status ng kompanya. Pero hayaan niyo na kasi mas gusto ko yung ganito, yung wild and free. Walang mga magulang na hahadlang sa kalokohan mo.

"AYEESHA GRACE FERNANDEZ!" Bilisan mo na diyan kanina ka pa hinihintay ng mga investors sa meeting niyo." Sabi niya.

Yeah, that's my name.

Well siya lang naman si Jackie Arevalo, ang ka live-in kong bestfriend. Yes, dito na siya umuuwi kasi boring daw sa kanila, the only child lang kasi siya so nag-sama ang dalawang numero uno na mga anak. Bugtong na anak lang din kasi ako.

So tama na'tong ka echosang 'to baka ma-late pa ako sa meeting at mag kaaberya pa. Mahirap na!

Mukhang okay naman yung suot ko kaya bumaba na ako. Pagadating ko sa Dinning area nakita ko na agad ang besfriend kong matakaw, Oo hindi lang matakaw, sobrang takaw niya.

"Anong meron? bakit kung makakain ka parang wala ng bukas?" Tanong ko sakanya.

"Eh! sa nagugutom ako! alam mo ikaw kumain ka nalang kaya at puntahan mo na yung mga investors na nabulok kakahintay sa'yo." Sabi niya.

Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.

Umupo nalang ako at nagsimula na ring kumain. Ang dami talaga ng ipinaluto niya, mauubos niya ba'to? Hays! ang takaw, Kung hindi nga ako nagkakamali walang minuto, walang oras, at walang araw na hindi siya lumalapit sa ref para lang kumuha ng pagkain.

Pero bilib din ako sa bestfriend kong 'to kasi kahit matakaw napapanatili pa rin niya ang maganda at sexy niyang katawan.

Pagkatapos kung kumain at mag-ayos na pag-desisyonan ko nang lumabas sa mansion, Oo mga ateng mansion ang bahay ng Lola niyo, diba ang taray! Pero bago doon napipagbesobeso muna ako kay jackie.

"Bye, takaw!" Sabi ko.

"Anong takaw? Jackie palangan ko!"
Sabi niya habang nakaupo sa sofa at nanonood ng Cooking Recipe ni Master Chin sa Tv, kita niyo pati sa panonood nalang ng TV, pagkain pa rin ang iniisip.

"Alam ko, basta mag ingat ka nalang dito." Sabi ko.

"Ikaw din mag ingat ka!" Sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot dahil dumiretso na ako palabas ng Mansion at pinuntahan ang kulay puti na Ferrari 458 Italia car ko.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sinimulan ko nang paandarin ang makina. Nakita ko yung isang tauhan namin dito sa Mansion na binuksan yung gate kaya hindi na ako nag dalawang isip pa at nagsimula nang mag-drive.

Sabi ko na nga ba stranded na naman ako ngayon sa traffic, bakit ba kasi ang tagal mag go signal 'tong traffic ligth na'to.

Kainis! Sobrang late na ako sa meeting baka umatras na ang mga investors sa pag-iinvest nila sa kompanya, 'wag naman sana.

MY ARROGANT GAY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon