KABANATA 12

97 4 0
                                    

KABANATA 12

JOGGING

Isang linggo na ang lumipas mula noong mag-sama kami sa iisang bahay 'ni Babaita.

Nothing changed. Makulit pa rin siya at maarte.

Lumabas na ako sa Bathroom matapos kong manghilamos at dumeretso sa walk-in closet ko.

Sinuot ko ang gray jogging pants ko at white sando ko na anti-sweat.

Habang nagbibihis ako napatingin ako kay babaita na ngayon ay tulog na tulog pa rin sa kama.

Ewan ko ba kung bakit ang tagal niya gumising.

Even the house chores ako ang mostly gumagawa maliban nalang sa pag-lalaba dahil nag-papalaundry lang kami.

Hindi ko naman siya mapilit na gawin ang mga gawaing bahay dahil wala siyang alam.

Mali-mali lahat ng ginagawa niya, in-short palpak!

Kung magluluto siya sunog naman, kung paglalabahin mo hindi siya marunong kumusot ng damit at worst Hindi na paglalaba yung ginagawa niya dahil nilalaro niya lang yung mga bula ng sabon.

Siguro spoiled siya at hindi niya naranasang maging independent at tumira ng mag-isa sa isang condo.

Kaya habang pinagmamasdan ko siya na pangiti ako sa kalokohang na-iisip ko.

Ganito ang technique ko dahil ako ang palaging kumikilos sa Bahay kaya para man Lang makaganti ako sa kanya...

Sisirain ko ang maganda tulog niya.

Matapos kong magbihis dahan dahan akong lumapit sa kanya, tinggal ko ang comforter na nakapulupot sakanya at niyugyug siya.

Pero mga ungol lang ang naririnig ko mula sa kanya na as if ayaw niya pang gumising.

Ilang ulit ko na siyang niyugyug para magising pero parang tulog mantika talaga siya eh!

Kaya kinuha ko ang isang unan at inihampas ito sa mukha niya ng may katamtamang lakas.

Pang-limang hampas ko sa kanya ay dun palang siya nagising...

"Baby Ash..."Tawag niya sa'kin habang nakapikit.

"Gumising ka na."Sabi ko.

"Ayoko, gusto ko pa matulog."Sabi niya habang umiiling at nakapikit.

"Uy! Gumising kana mag-jajogging tayo."Sabi ko.

"Ayoko nga antok pa ako!"Sabi niya.

Hinampas ko ulit siya ng unan sa mukha...

"Baby Ash!"Inis niyang sabi.

"Gumising ka na kasi!"Sabi ko.

Hindi siya sumagot bagkus tumalikod lang siya ng pagkakahiga.

"Tsk! Tamad."Sabi ko atsaka naglakad uli sa cabinet ko at kinuha ang perfume ko.

Hindi pwedeng hindi siya gumising. Ang unfair hindi ako makakaganti sa kanya.

"Ayaw mo talaga gumising."Sabi ko.

Hindi siya sumagot...

"Then fine, hindi na kita pipilitin."Sabi ko.

"Sige, mauuna na ako marami pa kasing mga pabababols sa daan eh!"Parinig kong sabi.

Pagkasabi ko nun agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga.

"Anong sinabi mo?"Tanong niya habang pungay-pungay pa ang mata niya pero nakatingin ng matalim sa'kin.

MY ARROGANT GAY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon