KABANATA 15

69 2 0
                                    

KABANATA 15

POOL

I'm currently lying on the bed, not trying to open my eyes kasi alam ko as soon as I open my eyes, wala na siya sa tabi ko. Nauna na naman siyang gumising.

It took seconds for me to finally decide to open my eyes at tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga. Dumeretso ako sa C.R at nag toothbrush.

Pagkatapos nun lumabas na rin ako sa kwarto at bumaba...

Pagdating ko sa baba, I tried to look for him around the house pero di ko siya makita. Naglakad lakad lang ako sa kabuuan ng bahay nang mapatigil ako sa na-amoy kong iniihaw...

Kaya naisipan kong silipin ang pool area na pinagmumulan ng amoy, hinawi ko ang kurtina at...

Napangiti nalang ako sa nakita ko,
Nakatayo siya habang naka topless na nakasuot ng asul na apron at may kung anong iniihaw.

Naglakad naman ako papalapit sa kanya, nang maramdaman niya ang presensiya ko, napalingon siya sa gawi ko.

"Gising ka na pala,"Nangising sambit niya.

"Good Morning,"Nangiting bati niya sa'kin.

Teka? Ba't ang saya niya?

Ngumiti rin ako pabalik atsaka tuluyang lumapit sa kanya...

"Ano yan?"Tanong ko, habang pinapasadahan ko ng tingin ang iniihaw niya na parang hindi naman barbeque.

"Grilled pizza rolls,"Saad niya.

Tumango naman ako,

"Masarap yan?"Tanong ko, para tuloy akong bata.

"Syempre masarap! ako nag iihaw eh!" Proud na sabi niya. Well, mukhang masarap naman talaga.

"Wanna taste it?"Nakangisi tanong niya.

Teka nga! Kanina pa sya ah! Ngisi nang  ngisi. Ang saya niya lang.

"Pwede?"Tanong ko. Arrghh para akong bata.

"Sure,"Nakangisi niyang sagot.

Kinuha naman niya ang isang pizza roll ng walang kahirap hirap, gusto ko sana siyang suwayin kase mainit pa yung pizza roll pero mukhang wala lang sa kanya.

"Kaso lang ito nalang natira eh, ayos lang ba sa'yo?"Tanong niya habang hinihipan yung pizza roll para sa'kin.

"Oo,"Sagot ko.

"Here,"Sabi niya atsaka lumapit sa'kin at akmang susubuan ako.

"Ako na."Sabi ko at kukunin ko sana sa kamay niya yung pagkain pero nilayo niya.

"No, ako na!"Sabi niya atsaka itinapat sa bibig ko ang pagkain, kakagatin ko na sana yun kaso lang nabigla ako nang ilayo niya yun at kinain.

Ano yun?

"Hmmm sarap,"Nangiting sabi niya matapos kainin lahat ng parte ng pizza roll.

"Kala ko ba patitikimin mo ako?"Taas kilay kong tanong.

"Oo nga, pero nagbago isip ko eh! Sayang naman kung di ko titikman ang niluto ko diba?"Nangiting Tanong niya, yung ngiting nang-aasar.

Naramdaman niyang akmang hahampasin ko siya kaya lumayo siya sa'kin at hinubad ang aprong suot niya at nagsimulang tumakbo sa pinakadulo ng pool, hinabol ko naman siya.

Nang marating na niya ang pinakadulo, wala siyang nagawa kundi humarap sa'kin.

Cornered! HAHAHA

MY ARROGANT GAY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon