Chapter 5

6.7K 30 2
                                    

I decided to continue this story. Kahit three or four chapters pa. Enjoy reading everyone.

Refresh niyo ang story. Done alot of editing. More mature content.

***

Napahinto siya sa akmang pagbaba sa hagdan ng bahay nila Steve ng makita si Dulce sa ibaba. Nanonood ata ng palabas sa sala.

Kagat labing hinakbang niya ang paa pabalik sa itaas at doon taranta at hindi alam ang gagawin. Bakit kasi nagising siya ng tanghali na? At talagang hindi siya ginising ng lalake kanina. Nag iwan lang ito ng note sa noo niya kanina na aalis sandali at wag daw siyang aalis sa bahay.

Napasapo siya sa noo ng maalala ang mga damit na nagkalat sa kusina. Nagrocery si Dulce at siguradong sa kusina ang tungo agad nito pagdating.

“Nakita ba niya ang mga damit?” napakagat siya sa kuko habang nakaupo sa unang palapag ng hagdan.

“Hindi ba nilinis ni Steve ang kalat namin sa ibaba?”

Wala naman siyang nakitang damit niya sa kanina sa kwarto nito.

“Holy shit. Nakakahiya kay Dulce.”

Iniimagine palang niya ang mukha ng kaibigan pagkakita ng damit nila sa kusina at malapit pa sa ref! Argh.

“Sab! Bumaba ka na nga diyan. Para kang tanga diyan.”

Dulce's laughter echoed.

Napakurap siya.

Tinawag siya ng babae right? Pero paano? Sumilip siya at naabutang nakangisi at nakataas ang kilay ng kaibigan sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin at inayos ang malaking tshirt ni Steve na ngayon ay suot niya saka bumaba na ng hagdan.

Hindi siya makatingin sa kaibigan na ikinatawa nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

“Hay, Sabrina. Ang cute mo mahiya. Hahaha.”

“Tumahimik ka nga.” umupo siya sa tabi nito at kumuha ng pagkain na kinakain nito.

Tahimik na nanood siya sa tv na nasa harap pero ramdam parin niya ang tingin ng kaibigan niya.

Tumikhim ito.

“Wala bang chika dyan?”

Hindi siya sumagot.

“Ang blooming ni Kuya kanina pagbaba. May diniligan ata habang wala ako.”

Napaubo siya at mabilis na hinagilap ang juice para uminom. Bumungisngis si Dulce na nasa tabi niya.

Diniligan?

Sinamaan niya ito ng tingin.

“Ikaw, kung ano anong lumalabas diyan sa bibig mo. Magmumog ka ng holy water.” tinaponan niya ito ng unan.

“Bakit ba? Wala naman akong sinasabi na iba ah!”

“Wala ka dyan.”

“Baka ikaw meron...”

Gumalaw galaw ang dalawa nitong kilay ng magtama ang tingin nila. Pakiramdam tuloy niya nasusunog ang pisngi niya sa init na nararamdaman.

“Sarap mo ihagis sa Manila bay.”

Lumingon lingon ito sa paligid bago nagsumiksik sa gilid niya. Todo layo naman siya dito. Lumapit ito sa tenga niya at bumulong.

“Ano, masarap ba si Kuya. Hahaha.”

Di siya nakatiis. Natampal niya ang noo nito. Pero ang gaga tawa lang ng tawa. Nakahawak pa sa tiyan.

“Yang bunganga mo. Isusumbong kita kay Steve!”

A Hot Sleep OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon