Chapter 6

5.9K 23 0
                                    

“I'll see you later.”

Steve kissed the side of her lips. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng lalaki kaya pasimpleng kinurot niya ito.

“What?”

Nilingon niya ang tao sa paligid. This guy, hindi talaga nag-iingat. “Makita tayo ni Papa!”

“Kakapasok niya lang sa loob kasama yung celebrant.”

“Kahit na.”

Imbes na makakakuha ng sagot ay kumibit balikat lamang ito na parang wala itong paki.

“Punta ka na nga doon.” she shooed.

Sumimangot ito sa ginawa niya.

“Stay here. And don't talk to any man.”

Hindi siya sumagot dahil abala siya sa paglingon lingon lingon sa paligid. Madilim sa bahaging iyon ng garden malayo sa ilaw.

“Sabrina.” seryosong tawag ni Steve.

“Oo na!” napipilitang binalik niya ang tingin dito.

“tss.”

Masungit na tinalikuran siya nito at tinungo ang daan papasok sa mansyon ng mga Quejada. Birthday ng matandang Quejada at parehong imbitado ang pamilya nila doon dahil may shares ang pamilya nila sa kompanya ng mga ito.

Wala si Lucy kaya mag-isa siya ngayon. May mga kaedaran naman siyang nakikita doon pero wala siya sa mood makipagkilala. Business world is full of plastic people ayaw niya sa ganun kaya mas okay na mag-isa na lamang siya at kausapin ang sarili kesa makipagplastikan. Ew.

She's with Steve kanina pa at kanina pa din niya ito sinisita dahil lapit ng lapit. Pag nahuli sila ng Papa niya tiyak na mapapagalitan siya. She's allowed to have a boyfriend pero hanggang doon lang muna pero heto siya at nagpatikim na sa lalaki. At anong sasabihin niya sa ama? Na marupok lang siya at hindi napigilan ang sarili? Damn.

“Alam mo bang malungkot uminom mag-isa?”

She heard a familiar voice coming from her side. Nang lingunin niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon ay mahinang napatili siya.

“Marcus! Oh my god! It's you!”

Marcus laughed and open his arms.

Ibinaba niya ang hawak na glass at masayang lumapit dito at yumakap.

“Hey, Sabby. Hindi ka parin nagbabago. Ang payat mo parin.”
Ginulo nito ang buhok niya at sinuyod ang katawan niya saka umiling na parang hindi nito nagustuhan ang nakikita.

“Payat ka dyan. This is curve!”

“Curve my ass.”

Ininom nito ang wine na nasa kamay.
“Kelan ka umuwi? Saka how did you know that it was me?” gulat paring tanong niya.

“Just an hour ago. I'm here for a three days business trip.

Marcus is a family friend. Matagal na silang magkakilala ng lalaki natigil lang sila sa pagkikita nung iassign ito ng Papa nito sa ibang bansa para maghandle ng conpany ng mga ito doon.

“...and I've saw you earlier. Pagkarating niyo pa lang ng Papa mo. I was about to approach to you pero...”

“Hmm?” takang tiningnan niya ito.

“That guy, I mean Steve... I am watching you two kanina pa. Are you two together?” taas kilay nitong tanong.

He's watching us?

“W-what?” napalagok siya ng malaki sa narinig.

“Hey, hindi mo kelangang kabahan. Ako lang to.”

A Hot Sleep OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon