Chapter 9

4.8K 33 0
                                    

Unedited

Chapter 9

Truth

Sinulyapan niya ang phone niya ng biglang umingay iyon at rumihestro ang pangalan ni Dulce na tumatawag.

Mula kahapon, pag - uwi niya na hindi niya alam kung paano niya nagawa ng ligtas ay wala pa siyang natatanggap na tawag mula kay Steve.

Tanga na kung tanga pero hindi niya mapigilang magexpect ng explanations galing sa huli pero wala-wala siyang natanggap. He didn't even bother showing himself.

Isang katok ang narinig niya sa pintuan.

"Ma'am Sabrina, nandito ho si sir Markus."

She didn't respond. She's tired. Akala niya pag nakatulog siya gagaan at kahit papaano mababawasan ang sakit pero nandoon parin.

"Ako nang kakausap." it was Markus voice outside her room. May narinig siyang papalayong yabag na sigurado siyang sa katulong.

"Sabby."

Mula sa pagkakatihaya ay dumapa siya at isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw niya itong kausap.

"I know you can hear me. Please open up. I wanna talk to you."

Markus pleading voice echoed to her room kasunod ng mahihinang pagkatok nito.

"Just l-leave Markus."

"No. I won't leave unless you talk to me. I'm here now. Alam kong marami kang tanong and I am here to answer some of it to clear your mind. So please, open up?"

He's right. She has a lot of questions inside her head at ang gusto niyang taong magbigay ng sagot nun ay wala man lang pakialam ngayon sa kaniya. Hindi niya alam kung magpapakita pa ba ang lalake sa kaniya.

She needs to be enlightened before she become crazy.

Tamad na bumangon siya at tinungo ang pintuan saka binuksan. Nagtama ang mga mata nila ni Markus but she immediately looked away and go back to her bed.

She heard him close the door and walk his way to her bed.

Bumuntung hininga ito saka tumabi ng upo sa kaniya.

"I'm sorry. I know your mad at me for not telling you about Lean and Steven's past relationship and for making a scene yesterday."

"I gave you clues nung sa party kasi nagulat din akong malaman na may namamagitan pala sa inyong dalawa ni Steven."

"... I thought, aaminin niya rin sayo after I confronted him pero mali ako."

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo niyang nararamdaman para sayo pero kung ano man ang magiging sagot niya, isa lang masisiguro ko. I love Lean at ipaglalaban ko yun. I can't afford seeing him with other man."

Sa sinabi ng lalake ay napangiti siya. Ang swerte ni Lean. Nandyan si Markus para sa kaniya.

But how about her?

May Steve ba siya?

Rumihistro ang pait sa kaniya. Kaya ba niyang ipaglaban ang relasyong hindi niya sigurado kung meron ba talaga sa umpisa.

"Wala ka namang kasalanan. Ang t-tanga ko lang kasi nag expect at naniwala agad ako. A-ang bilis naging kami. Halatang patay na patay ako sa kaniya diba? Ha. Ha."

Pinahid niya ang luha na umaagos sa mga mata niya. Markus reached for her at niyakap siya nito. Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

"Talk to him and clear everything. Wag ka munang mag isip ng kung ano kausapin mo muna siya."

A Hot Sleep OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon