Chapter 8

4.2K 22 0
                                    

Chapter 8

Lied

Papunta silang cafeteria ng mga oras na iyon ng makatanggap siya ng tawag mula kay Markus.

“Hey, mauna kana. Sasagutin ko lang to.” aniya kay Dulce na nag aantay sa kaniya.

“Bilisan mo a! Gutom na ako.” nakasimangot na sabi nito bago siya tinalikuran.

“Hey, Markus!” malakas na bati niya.

“Err. Sabby...”

Napahagikgik siya dahil naiimagine niya ang nakangiwi nitong mukha habang nakalayo ang cellphone sa tenga nito.

“Haha! Missed my voice?”

She heard him sighed.

“Di ko sure. Anyway, you free today?”

Nangunot ang noo niya.

“May pasok pa ako e. Maya pang three out ko.” napasulyap siya sa suot na relo lunch time pa lang.

“Hmm. I'll see you at three then.”

“Okay. Wala ka na bang meeting at nag aaya ka? Di kana busy?”

“Wala na. I already close the deal. Susunduin ka nalang namin mamaya sa school mo. Call me.”

“Okay.”

“See you.”

Papatayin na sana niya ang tawag ng may pumasok sa isip niya. “Teka! Kami? May kasama ka? Sino?”

Nang wala siyang narinig mula sa kabilang linya ay tiningnan niya ang phone. Hindi pa naman patay ang tawag a.

“Hello, markus?”

“You'll know her later.”

“Her? Babae—”

Napasimangot siya ng marinig ang pagbaba ng tawag sa kabilang linya. Mabilis na nagtipa siya ng mensahe para sa lalake.

“Binabaan mo ko! Gusto mong hindi kita siputin maya?”

Nang masend iyon ay segundo ang nakalipas nakatanggap siya ng text mula sa lalake.

“It's your loss. Bahala ka.”

“Kainis ka.😾”

“😏”

Binaba niya ang cellphone at ibinulsa iyon. Markus know him too well. Alam nitong pagcurious siya hindi siya titigil hanggang hindi nalalaman ang bagay na yun. Argh. Sino kayang babae na isasama niya? His girlfriend? Meron ba yung isang yun? E busy yun.

Napahagikgik siya bago napailing.

Pumasok na siya sa cafeteria at baka makatikim pa siya sa kaibigan. Mahirap pa namang magutom yun.

“Binilhan na kita. Mahaba ang pila.” Tinuro ni Dulce ang pagkaing nasa harap.

“Thanks.” sumulyap siya sa counter, mahaba nga. Umupo na siya sa harap nito at inumpisahan na ang pagkain.

“Tumawag si Kuya.”

Naihinto niya ang pagkain ng marinig ang sinabi nito. “Bago lang?”

Tumango ito bago nilantakan ang  desert. “Oo. Nagtanong san ka kasi di ka daw makontak sabi ko may kausap ka sa phone.”

“Okay. Bakit daw?”

“Di ko knows e. Di naman sinabi. Binabaan agad ako nung sinabi kong kasama kita pero may kausap ka sa phone.”

“Sorry, itetext ko nalang maya.”

“Sino ba yung kausap mo?”

“Family friend. Umuwi kasi siya galing states gustong makipagcatch up.”

A Hot Sleep OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon