Bakasyon book 2
Chapter 7
"Where am I?"
Kandalingon ang bata sa paligid. Nagbabakasakali kung may makikitang ibang tao. Halos naikot na niya ang buong paligid ng silid ngunit wala siyang ibang kasama.
Nag iisa lang siya.
Nagsimula siyang makaramdam ng takot.
"Mommy..." unti unting bumuhos ang kanyang mga luha.
Litong tumayo siya mula sa kanyang kinahihigaan. Huling naalala niya ay pinatulog siya ng kanyang ina sa sariling kwarto. Ngunit bakit iba ang itsura ng nakikita niyang higaan ngayon?
Bakit puro ito dahon at bulaklak?
Binago ba ng nanay niya ang kanyang higaan?
"Gising na siya."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Galing iyon sa bukana na walang pinto. Ngunit wala naman siyang nakikitang tao.
"Mommy? Daddy?" tawag niya.
Wala pa rin siyang nakikitang tao. Tanging nagkikislapang insekto lang ang kanyang napansin.
"Anong gagawin natin?" narinig niya ulit ang boses.
"Asha? Lyka? Is that you my friends?" punong puno siya ng pag asa. Hindi man ito mga tao at least pwede niya itong tanungin kung saan ang kanyang mga magulang.
May namuong nakakasilaw na liwanag sa harapan ni Danna kung saan nya nakita ang mga insekto.
"Ahhh!" napatakip siya ng bahagya sa kanyang mga mata. Unti unting nawala ang liwanag at pagtanggal niya ng kanyang kamay ay may dalawang babae ang nakangiti sa kanya.
"Hi Danna!" kumakaway pa ito sa kanya.
Napalitan ng tuwa ang kanyang paghikbi.
"Asha!" namilog ang kanyang mga mata nang makilala niya ang isa rito. "Your my playmate in our school playground, right? Yung laging pumipitas ng bulaklak para ibigay sa 'kin." Mamangha siya sa nakita. "Your a fairy?"
Nakasuot ang mga ito ng literal na kasuotan ng mga diwata. Makukulay at may bulaklak pa sa ibang bahagi ng kanilang damit, hanggang sakong ang haba. Ngunit ang kaibahan lang, wala silang pakpak.
"Masaya ako at nakilala mo ako," nakangiting sagot sa kanya ni Asha at niyakap siya. "Parang gano'n na nga."
Tumingin siya sa isa pang babae. "And Lyka, ikaw yung taga walis."
Napangiwi ang babae ngunit nakangiti paring lumapit ito sa kanya. "Dapat talaga nagtitinda ako ng lobo ngunit dahil kontrabida to si Asha, ginawa akong alalay niya."
"Kasalanan ko bang walis ang lumabas sa kamay mo imbes na lobo?" natatawang tugon ni Asha.
"Che! Gusto mo lang talaga akong pagtawanan," paratang ni Lyka.
"Hindi ko kasalanan kung palpak ang mahika mo."
"Oh talaga ba?"
"Talaga!"
Habang nagtatalo ang dalawa ay napahagikhik lang si Danna kaya nilingon siya ng dalawa.
"Nagtatalo rin pala ang mga fairies"
Nahiya naman ang dalawa sa pinakita. "Pasensya ka na Danna ito kasing si Lyka-"
"Anong ako? Kahit kailan ka talaga-"
"Oh ayan na naman oh tignan mo. Tumigil ka na kaya."
"Tumigil ka rin kasi para tumigil ako." Nakapameywang na si Lyka.
"Hmmm... Asha, Lyka gusto ko na umuwi kay mommy at daddy."
Natigil ang dalawa sa kanilang bangayan. Nagkatinginan muna bago hinarap ang bata.
"Danna kasi may problema..." tugon ni Asha.
"Ano naman po?" nalilitong tanong ni Danna. "Di ba fairy ka, so you can do magic."
"Hindi kami fairy Danna, ang tawag sa amin ay mga gabay," sagot ni Lyka.
"Gabay?"
"Ang mga gabay ay kayang makita ang mangyayari sa hinaharap o sa nakaraan."
Tumango si Asha bilang pagsang-ayon. Minsan pala napapakinabangan din si Lyka.
"Ano tingin mo sa akin Asha, walang pakinabang!" Napatakip ng bibig si Asha. Nakalimutan niyang kaya nilang magsalita sa isip at naririnig naman ng mga kauri nila. "Baka nakakalimutan mo, ako ang nagsabi sayo na nakita ko sa hinaharap na mapapahamak ang pamilya nila Danna at-"
Nanlaki ang mata ni Danna sa narinig.
"Ano mangyayari sa amin? Mommy! Daddy! Gusto ko na sila makita!"Nataranta ang dalawa nang umiyak ng malakas ang bata.
'Napakadaldal kasi nitong Lyka na to eh,' usal ni Asha sa kanyang isip.
'Ako na naman may kasalanan.'
'Ikaw naman talaga.'
'Oh sige ako na. Tulungan mo nalang ako patahanin yung bata baka marinig to ni Dagaran na umiiyak patay tayo.'
'Patay ka talaga!'
~~*~~
To be continued...
Kindly vote 😊
BINABASA MO ANG
Bakasyon 2
FantasyIsang malakas na bagyo ang dumaan sa kanilang lugar at malalim din ang baha. Ngunit nakapagtataka na hindi man lang binaha ang malawak na taniman ng bulaklak.