Chapter 1
"Danna Rose!" Hinagilap ko sa master's bedroom ang aking nag-iisang anak. Nang makita ko ito sa may veranda ay nakahinga ako ng maluwang. "Kanina pa kita hinahanap. Anong ginagawa mo rito?"
"Mommy, look!" masaya siya habang nakaturo sa hangin ang kanyang daliri. No'ng una nagtaka pa ako kung ano 'yung tinutukoy niya ngunit nang may nakita akong kimikislap ay napangiti ako. "They are so cute, mommy!"
Nilapitan ko ang aking anak sabay hawak sa balikat nito. "Yes, they are. You want to see more of that?"
Mabilis siyang tumango. Kitang-kita ko ang pagkislap sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga lumilipad na alitaptap. First time niya kasi makakita ng ganito. Wala ito sa Manila.
"What are they mommy?"
"Fireflies or alitaptap in tagalog. Sa gabi mo lang sila makikita."
"Bakit? Tulog sila sa umaga?"
Nagkibit-balikat ako. Wala akong alam masyado tungkol sa mga insekto. "Maybe, maybe not."
"Oh... so why they brought flashlight then?"
Natawa ako sa tanong niya. Sa edad na limang taon ay napakadaldal na nito. "It's not a flashlight. It's natural in their bodies."
"That's why they called fireflies?"
"Yes."
Tumitig pa siya ulit dito at parang gusto niyang hawakan ngunit hindi niya naman mahuli-huli.
"I can't touch them. Why?"
"Dahil hindi sila sanay na hinahawakan. Mas gusto nilang lumipad-lipad lang."
Nakanguso siya habang nakatingin sa akin. "Eh bakit si Andy gusto niya magpahawak?"
"Magkaiba sila anak. Aso ni Andy at fireflies sila. Isa pa hindi ka nila kilala di tulad ni Andy na lagi mong nakakalaro."
"I will introduce my name then." Lumapit pa siya sa dalawang alitaptap na ngayon ay umiikot sa akin. "Hello! I'm Danna Rose. What's your name?"
Ngumingiti ang aking anak habang kumakaway sa dalawang alitaptap. Mayamaya pa' bigla siya tumango.
"Nice meeting you Asha and Lyka!"
Ano raw?
"What are you saying, Danna?" Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat kaya napaharap siya sa akin.
"Their names are Asha and Lyka. I like to pet them, mommy. They are so nice!"
Umiling ako. "No, baby. They are not pet."
"Please, mommy. Please... I like them so much. I will make a cage for them."
"Danna, listen to me. They are fireflies and not a dog. Hindi sila pwede tumira rito kasi hahanapin sila ng parents nila."
Natahimik saglit ang anak ko. "But why Andy's here? Hindi ba siya hinahanap ng parents niya?"
"Wala nang parents si Andy." Tumango lang siya bago tumingin ulit sa mga alitaptap.
"Say bye-bye to them. Kakain na tayo. Your daddy is waiting for us downstairs."
"Okay. Bye-bye Asha and Lyka. See you again."
Tumakbo siya palabas ng kwarto. Napatingin naman ako sa dalawang alitaptap na hanggang ngayon ay umaaligid pa rin sa akin. Kanina pa ako nakatayo at bawat hakbang ko palabas ng kwarto ay sumusunod sila sa akin.
Nang huminto ako saglit ay tumigil din sila sa paglipad sa harap ko.
Anong problema ng mga alitaptap na 'to?
BINABASA MO ANG
Bakasyon 2
FantasyIsang malakas na bagyo ang dumaan sa kanilang lugar at malalim din ang baha. Ngunit nakapagtataka na hindi man lang binaha ang malawak na taniman ng bulaklak.