PANAGINIP
Ralph SummersMay nakita akong nakahandusay na katawan sa panaginip ko, hindi ko maaninag dahil nababalutan ito ng makapal na bagay na humaharang sa kaniyang mukha. Makailang ulit din akong sumubok na lumapit pero parang may kung anong enerhiya ang pumipigil sa akin para lapitan ang naturang katawan.
Hanggang sa nakarinig na lang ako ng sigaw ng isang matandang babae na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Magmove on ka na! May jowa na siyang iba! Tama na pagpapakatanga!"
"2020 na, vision mo siya pa rin?! Tanga, magpa-EO ka na para makita mo naman ang halaga ng iba!"
BINABASA MO ANG
Papagayo Sa Himpapawid
RandomPapagayo Sa Himpapawid Koleksyon ng mga tula, prosa, dagli at maikling kuwento na isinulat ni Ralph Summers