LIGAYA
Ralph SummersNalagas nang paunti-unti
ang pinung-pinong dahilan
ni Ligaya sa paghihintay; nagbabakasakaling hindi
pa napupulbos ang sandali.Sinusuyo na ang buwan
at ang Panginoon ng hangin;
nang sila'y magtalik
sa dilim at nagpasakop
sa ilalim ng kapangyarihan
ng higante.Muli mong dalhin
ang hiwaga sa aking pagtataka't
nawa'y basagin
ang kamangmangan
na umiiral sa sistema.Sa mahiwagang paraiso'y
lumalangoy ang mga engkanto,
tanging marunong ang nagwawagi;
sa pag-ibig?Kung magpapagulong-gulong
ang lapad sa palad mo,
mapalad bang ituturing
kung makahahabol ako?
BINABASA MO ANG
Papagayo Sa Himpapawid
RandomPapagayo Sa Himpapawid Koleksyon ng mga tula, prosa, dagli at maikling kuwento na isinulat ni Ralph Summers