DUYAN KA NG ULAP
Ralph SummersIsang bagay na kinatatamaran kong gawin tuwing darantay ang aking katawan sa pinagdugtong at pinagpatung-patong na karton ng sigarilyo ay ang pumikit nang mababaw sa unan at mahimbing sa ibabaw ng planeta at mag-ala Madeline na nagbibilang ng mga natutunaw na bulalakaw at mga metal sa kalawakan ng hating-gabi sa aking panaginip habang binabalutan ng naghihimulmol na kumot ang kabuuang naghihimagsik na sa lamig ng nakamamatay na pag-iisa.
Walang ibang magdarabog kundi ang paulit-ulit na panhik-panaog na sipon
sa magkabilang butas ng ilong
at paghahabol ng hininga
sa pataas at pagbaba ng paghilik.
na anumang oras ay maaaring mapatid ang init
ng nagrerebeldeng nakapikit
sa kalagitnaan ng pagbibilang
sa ibabaw ng mga natunaw na bulalakaw at metal sa kalawakan
ng hating gabi
sa aking nahihimbing na panaginip;
saklob ng kumot ang kabuuan
sa silid ng mahiwagang sangktuwaryo.Iyan ang bagay
na aking kinatatamaran
tuwing darantay
ang aking pagal
na pangangatawan
sa pinagdugtong
at pinagpatung-patong
na karton ng sigarilyo.
BINABASA MO ANG
Papagayo Sa Himpapawid
RandomPapagayo Sa Himpapawid Koleksyon ng mga tula, prosa, dagli at maikling kuwento na isinulat ni Ralph Summers