Unwanted 1

213 9 1
                                    

Buong buhay ko never akong naging paborito ng kahit na sino. I always put effort sa mga ginagawa ko pero walang saysay lahat yun.

Unwanted. Yan ang katagang dapat na depinisyon ng buhay ko.

Unwanted daughter.

Unwanted girfriend.

Unwanted friend.

Being unwanted? Ganito ang ginawa sakin. Naging masama akong tao. Akala ng lahat patay na ako. Pwes nagkakamali sila. Inalagaan at kinupkop ako ng isang serial killer at tinulungan niya ako para ihanda ang paghihiganti ko.

At ngayon isa na akong game show master! Itatago natin ang game show sa tawag na BUHAY MO, SAGOT MO!

Isn't it exciting?

Inilibot ko ang paningin ko sa siyam na upuan kung saan nakagapos ang mga taong dumurog sa akin.

My ex boyfriend. Check

My mom. Check

My stepdad. Check

My bestfriend. Check

My tita. Check

Ang tatlong babaitang malaki ang atraso sa akin. Check.

My stepsister. Check

Nakapaikot sila sa akin. Oh what a lovely sight to see. What a wonderful scenery.

"Xia?! Buhay ka?!" Napalingon ako sa boyfrie- ay mali ex boyfriend ko pala.

"Ssssh tahimik! Baka magising sila!" Tiningnan ko siya habang lumalapit sa kanya.

"Pakawalan mo kami dito!" Muli niyang sigaw ng mapansin na hindi siya nagiisa.

"Sabing manahimik ka!" Ginawaran ko ng isang sampal ang pisngi niya.

Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya napadura siya ng dugo.

"Anak?!" Napairap ako sa nanay kong tinatawag akong anak?

"Anak?! Did you just call me anak?!" Napahagalpak ako ng tawa ng marinig na tinawag ang pangalan ko.

"Ang tagal ka naming hinanap." Napalingon naman ako sa lahat ng tao dito na halos gising na at nakatingin sa akin na akala mo ay nakakita ng multo.

"Okay naman ako. Inalagaan ako ng kumupkop sa akin. Ito nga oh pinahiram niya pa ako ng lugar kung san tayo pwedeng maglaro!" Sinundan ko pa iyon ng nakaka tindig balahibong halakhak.

"Xia itigil mo na tong kalokohan na ito." Sabat ng bida bida kong ate.

"Shut up. Laro ko ito so ako ang magsasabi kung titigil ako o hindi." Inirapan ko pa siya para dama niya.

"Show some manners young lady." May pinagmanahan nga tong step sister ko na ito. Pabibo sila parehas ng ama niya.

"Wala kayong pake." Muling irap ko at inilabas ang mahiwagang remote mula sa bulsa ko.

"Welcome to my game! Welcome to BUHAY MO, SAGOT MO!!!" Sigaw ko bago i-click ang remote para tumugtog ang kantang ginawa ko para sa intro ng aking palaro.

Napatawa ako ng malakas ng makitang nasasaktan ang mga itsura nila.

"Oops. I forgot. May speaker pala akong nilagay sa sandalan ng inuupuan niyo." Nakatapat kasi ang mga yon sa tenga nila.

"Hala naitodo ko ang volume" muli akong tumawa ng pagkalakas lakas ng itodo ko ang volume.

"Putangina!" Mura ni albert na exboyfriend ko ng matapos ang pagtunog ng intro ko.

"At dahil minura mo ako Albert sayo tayo magsisimula!" Kinindatan ko naman siya.

"Anong kalokohan ba ito!" Galit niya akong tiningnan dahilan para ngumisi ako.

"Albert, TANONG MO, SAGOT MO!" Taka siyang tumingin sakin.

"Sagutin mo lang ang tanong ko ng tama Albert. Kung gusto mo pang mabuhay." Muli akong ngumisi ng mala demonyo sa kanya.

"Nag cheat ka ba nung tayo pa?" Tanong ko dahilan para mapalunok siya.

"Make sure na tama ang sagot na ibibigay mo Albert." Sabay dampot ko sa kutsilyong nakapatong sa lamesa nanadiito sa tabi ko. O diba ready ako? Madami akong gamit na pwedeng gamitin sa kanila.

"H-hindi!" Utal niyang sagot dahilan para maginit ang ulo ko at saksakin ang kanang hita niya.

"Sinungaling!" Tiningan ko siya habang nanlilisik ang mga mata ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya dulot ng pagsaksak ko pero wala akong pakialam.

Napatingin ako sa paligid kung saan napasinghap at napaluha sila ng makita ang ginawa ko kay Albert.

Tama yan. Manginig kayo sa takot sa kaya kong gawin pag kayo na ang nakasalang.

"Uulitin ko Albert. Nagcheat ka ba nung tayo pa?!" Muli ko siyang tiningnan.

"O-oo!" Tama ang sagot na binigay niya pero wala akong pakialam. Sinaksak kong muli ang kabilang hita niya.

"For your last question Albert. Si Therese ba na step sister ba ang kabet mo?!" Nakarinig ako ng pagsinghap na mula sa ibang manlalaro ko.

Napatingin siya sa step sister ko bago sumagot.

"H-hindi!" Liar!

Agad kong hinugot ang kutsilyong nakasaksak sa hita niya bago ito ibaon sa leeg niya.

Paulit ulit kong ibinaon ang patalim sa kanyang leeg.

Hindi ako tumigil hanggang hindi ito nadudurog.

Napahagulgol na lang si Tita Emma ng gumulong sa kanya ang pugot na ulo ni Albert.

Wala yon sa plano ko pero mas nakakasatisfy pala.

"Ang dumi ko na." Atungal ko pero natawa ako.

1 down 8 more to go.

Who's next?

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon