"Uy Roxy!" Nakita kong napalunok siya ng banggitin ko ang pangalan niya
Isa siya sa tatlong babaita kung bakit nasira ang buhay ko.
"X-xia. Wag please! Maawa ka! Madami pa akong pangarap sa buhay!" Wika niya habang dahan dahang tumutulo ang luha niya.
"Bakit Roxy? Tingin mo ako wala akong pangarap? Wala ba akong pangarap nung paulit ulit niyo akong pinahiya? Tinanggalan niyo ako ng dignidad." Tiningnan ko siya mata sa mata.
Tama yan Roxy. Manginig ka sa takot. Manginig ka kasi ako ang bangungot ng nakaraan mong hayup ka.
"Maawa ka Xia please? Sila mommy! hahanapin ako nila mommy!" Pagmamakaawa niyang muli sa akin.
Akala niya ba maaawa ako sa kanya? Isa siyang malaking tanga! Isang malaking hangal!
"So Roxy my question for you is....." ngumisi ako dahilan para mapalunok siya.
"May anak ka na ba?" Nakita kong lalong nanlumo ang mukha niya. Dinig naman ang pagsinghap ng dalawa pang kapwa niya demonyita.
Alam kong malaking sikreto itong binunyag ko. Pero wala na akong konsensya ngayon. Dahil kulang pa yan sa lahat ng sakit na dinanas ko sa kamay nilang lahat.
"O-oo. Meron akong anak." Nanginginig pa ang mga labi niya habang sumasagot dahilan para mapangisi ako.
"Awwww. Marunong ka pala magsabi ng totoo? Ohemgee! Bakit di mo yan nagawa noon?!" Tiningnan ko siya ng masama bago siya talikuran at kunin ang pliers nasa ibabaw ng mesa.
"Tutal makasalanan yang bunganga mong sinungaling reregaluhan kita ng libreng bunot!" Todo ngiti ko pang itinaas ang pliers bago tuluyang lumapit sa kanya.
"Wag." Sambit niyo kasunod mg sunod sunod na pagiling niya.
"Oh come on! Napaka boring mo naman! Parang isang ngipin lang!" Nakasimangot kong saad.
"But who cares? What Xia wants, Xia gets. Gets mo?" Muli na naman akong humalakhak
"Nganga!" Inis kong utos sa kanya ngunit nagpatuloy siya sa pag iling.
"Sabing nganga eh!" Inis na sambit ko atsaka siya sinampal ngunit matibay talaga siya at nanatiling umiiling.
Sinusubukan niya ang pasensya ko.
Hinawakan ko ang pisngi nita at pinisil ito ng mariin dahilan para mapanganga siya.
Patuloy siyang umiiling para labanan ang pagkakahawak ko sa kanya.
Sa sobrang gigil ko ay bigla ko na lamang ipinasok ang pliers sa maliit na awang ng bibig niya.
"Ayan! Perfect" masayang sigaw ko matapos pwersahang hilain ang pliers.
"Ay kaso tatlong ngipin ang nahila ko. May kasama pang laman!" Napahagalpak ako ng tawa na para pang ito na ang pinaka masayang bagay na nakita ko.
"Ohemgee! Ang cute mo Roxy!" Pang aasar ko habang todo iyak naman siya.
"Next question Roxy.... Kaya ba galit na galit ka sakin kasi natatakot ka na sabihin ko kay Althea na ang boyfriend niya ang ama ng anak mo?" Napangisi ako ng mamutla ang mukha niya.
"Totoo ba yun?! Hayop ka! Sumagot ka Roxy! Malandi ka!" Todo pag wawala pa si Althea. Kala mo kung sinong malinis.
"Tumahimik ka nga! Babasagin ko yang bunganga mo eh!" Agad naman siyang tumahimik dulot na din siguro ng takot.
"H-hindi! Wala akong alam sa sinasabi mo!" Napapaiwas niyang sagot dahilan para magpanting ang tenga ko.
Sinungaling!
"Lies. Lies. Lies. Lies will kill you Roxy." Iiling iling na sabi ko bago kunin ang razor.
"Bilang regalo bibigyan kita ng isang magandang makeover Roxy. Makeover na hindi ka makikilala ng lahat.
"Wag please!" Muling pagmamakaawa niya sa akin.
Ubos na ang awa ko Roxy. Ginawa niyo akong halimaw kagaya niyo.
Nanginig siya ng i-on ko ang debateryang razor na hawak ko.
Ngumiti muna ako ng pagkatamis tamis bago ko iyon pinadaan sa buhok niya.
"Tenen! Bagay sayo ang kalbo Roxy!" Papuri ko ng matapis kong tanggalin ang buhok niya. Tuloy tuloy siya sa pag iyak.
"Bakit ka naiyak? Kulang ba?" Naka ngusong tanong ko sa kanya.
"Sige totodo ko na." Ngimiti ako ng pagkatamis tamis at pinasada sa anit nita ang razor.
Madiin.
Unti unting nababalatan ang anit niya.
Kita ko ang pagdudugo nito.
Pero hindi ako kuntento.
Kinuha ko ang kutsilyong ginamit ko upang kitilin si Albert.
"Mga kasinungalingan mo ang sanhi ng kamatayan mo Roxy." Bulong ko sa kanya dahilan para mapahagulgol siya.
Walang ano ano kong binaon sa bumbunan niya ang patalim.
Paulit ulit.
Padiin ng padiin.
Habang tumatagal ay nawawasak ang ulo niya maging ang mukha niya.
Hindi ako tumigil hanggang hindi ko nakikita ang utak niya.
"Akalain niyo yun?! May utak pala ang bobitang yan?!" Saad ko kasabay ng isang nakakabinging halakhak.
Inilibot ko ang tingin ko sa pitong taong nakapaligid sa akin na nananatiling buhay.
Ngumisi ako ng mala demonyo bago ituro ang susunod kong biktima.
"You're next."