UNWANTED 6

54 2 0
                                    


"Kamusta ka Therese?" Wika ko habang natingin sa lamesang kinalalagyan ng aking mga kagamitan.

"X-xia bakit ba ako kasama dito?! Wala naman akong ginawang masama sayo! Napakababaw na dahilan naman ng relasyon namin ni albert para gawin mo samin toh! Xia nababaliw ka na!" Napangisi na lang ako sa narinig kong saad niya.

Halos magningning ang mga mata ko ng mapadpad ang mga mata ko sa isang makintab at malaking gunting. Agad ko iyong kinuha kasama ng isa pang maliit na martilyo.

"Ang daldal mo. Subukan natin yang talas ng dila mo sa mga tanong ko Therese." Nakangiting demonyo pa ako habang lumalapit sa kanya.

"Therese, SAGOT MO, BUHAY MO!" Sigaw ko sa pagmumukha niya dahilan para manginig siya.

"Kalma ka lang Therese. Wala pa akong ginagawa." Pang aasar ko na sinundan ng aking pang malakasang halakhak.

"Tama na please." Pagmamakaawa ng tita ko habang lumuluha.

Mga tao nga naman. Hindi takot gumawa ng kasalanan pero natatakot sa kabayaran. Mga hangal.

"Shut up." Inirapan ko siya

"Be thankful Therese kung hindi nagpaka bida bida si Claire kanina edi sana ulo mo na ang nakahiwalay ngayon sa katawan mo." Muli akong humalakhak sa pagmumukha niya.

Oh sweet revenge. Ang saya sa pakiramdam.

"Therese..... Alam mong binababoy ako ng tatay mong hayop diba?! Pero bakit hindi ka nagsalita?!" Tiningnan ko siya ng masama dahilan para mapaiwas siya ng tingin.

"N-natakot ako. Kasi syempre tatay ko yun. Baka makulong siya." Napailing iling na lang ako sa naging sagot niya.

"Eh bakit mo binigay yung video kay Claire? Yung video kung saan ako binababoy ng tatay mo! Hindi moko nagawang tulungan pero nagawa mong videohan?!" Nanggigigil na saad ko sa kanya.

"H-hindi ko alam na ibibigay niya kay Althea. Pero maniwala ka hindi! Wala! Wala akong alam! Di ko alam yung sinasabi mo!" Agad niyang pag iling ng makitang nagdidilim ang ekspresyon ko sa nauna sniya dapat sasabihin.

"Endless lies para sa ikakabuti mo Therese?" Napapailing akong humarap sa kanya.

"Tutal sinungaling ka.... Bakit hindi natin putulin yang dila mo? Sounds fun right?" Tanong ko sa kanya at muling humalakhak.

Agad siyang nagkanda iling iling habang nanginginig.

"Ohemgee?! Did you just pee?!" Agad akong napatawa ng makitang napaihi siya sa kanyang kinauupuan.

This bitch never failed to make me laugh.

"Hmmmmmm!" Naisin man niyang sumigaw ay hindi niya magawa sa kadahilanang hawak ko ang dila niya.

Gamit ang kanang kamay ko ay inilapit ko ang gunting sa dila niya at agad itong ginupit.

"O diba? Hindi masakit? Napakabilis lang?" Nakangisi ko siyang pinagmamasdan habang sabay na umaagos ang luha niya at ang dugo na mula sa bunganga niya.

Ipinakita ko pa talaga sa kanya ang dila niyang ginupit ko.

"Ang cutie right?" Napahalakhak akong muli.

"Now! Let's give you a wonderful nail art!" Agad akong umupo para makalapit sa paa niyang nakatali rin sa upuan.

"Your shoes looks nice ah! But sadly hindi natin sila kailangan!" Papuri ko sa sapatos niya bago ito tinanggal.

"Awwww cute little finger toes!" Hinimas himas ko pa ang nanginginig siyang mga paa bago ilabas ang nailcutter sa aking bulsa.

Sinimulan kong gupitin ang mga kuko niya.

Madiin ang bawat pagkagat ng nail cutter sa kuko niya hanggang sa mapudpod ang mga ito at balat at laman na niya ang nagugupit ko.

Muli akong napatawa ng napaka lakas ng naisin niyang lumaban ngunit di niya magawa. Idagdag mo pa na patuloy ang pagdudugo ng bunganga niya kaya ang kaninang kanyang sky blue na damit ay halos kulay pula na ngayon.

Hindi ako tumigil hanggang sa hindi nagdudugo ang lahat ng daliri niya sa paa.

"Perfect! Woooh napagod ako don ah!" Wika ko bago tumayo.

"Nagustuhan mo ba my dear step sister?" Tanong ko sa kanya pero patuloy pa din siya sa pag iyak.

Napansin kong medyo pumipikit na siya kaya naman dinampot ko na mula sa sahig ang maliit kong martilyo.

"Ito ang pinaka paborito kong laruan sa lahat." Ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis sa kanya bago ipukpok ito sa tuhod niya. Impit naman siyang napatili dulot na din siguro ng wala na siyang dila.

"Uh-oh? Anong sabi mo Therese?" Pang aasar ko sa kanya dahil alam kong di niya magagawang magsalita?

"Ay wala?! Baka kulang pa" tatlong sunod sunod kong inihampas muli ang martilyo sa tuhod niya. Dahilan para mapapikit siya sa sakit.

That's right Therese. Masaktan ka. You deserve it you filthy bitch!

"Ma? Hindi ka ba natutuwa?" Baling ko sa nanay ko.

Ako itong tunay niyang anak pero paborito at mas kinikilingan niya lagi si Therese.

"Yung paborito mong anak tinuturuan ko ng leksyon! Isn't it great?" Ngisi ko sa kanya at sunod sunod na pag iling ang isinagot niya sa akin kasabay ng pag agos ng luha niya.

"So sinasabi mong mali ako ma?! Hanggang ngayon?! Siya pa rin ang tama?! Itong putanginang toh?!" Gigil kong saad bago ihinampas sa ulo ni Therese ang martilyo. Dahilan para tuluyan na siyang mapapikit.

Pero hindi! wala akong pakealam. Hindi ako kuntento!

Mas nagdilim ang paningin ko ng marinig ang hagulgol ng aking walang kwentang ina.

"Anak mahal ko kayong parehas! Mga anak ko kayo!" Hagulgol niya pero hindi pa din sapat.

"Mahal mo ako?! Parehas kami?!" Tanong ko atsaka hinigpitan ang hawak ko sa martilyo.

"Pero puro ka na lang si Therese!" Sigaw ko sabay pukpok sa ulo ng wala ng malay na si Therese.

"Puro ka na lang si Therese ang magaling"

"Puro ka na lang si Therese ang dapat tularan"

"Puro ka na lang Therese! Therese! Therese! Therese!"

Paulit ulit kong sigaw kasabay ng bawat pukpok sa ulo ng hayop kong step sister!

"Putanginang Therese. Wag kang mag alala mommy magkakasama din kayo sa impyerno ng paborito mong anak." Wika ko habang pinagmamasdan ang durog na durog na bungo ni Therese.

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon