"Tito Niko." Tiningnan ko siya ng masama dahilan para mapalunok siya ng sunod sunod.Bigkasin ko pa lang ang pangalan niya ay naghahalo na ang galit at pandidiri sa sistema ko.
"Bakit Tito? Bakit mo ginawa sakin yon?" May mga butil ng luha ang pumatak mula sa aking mga mata.
Itong apat na natitira ang may pinakamalaking kasalanan sa akin.
Sinira nila ang buhay ko.
Binaboy nila ang pagkatao ko.
Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang isa sa pinaka malaki at matalas na patalim na nadodoon.
"Tinuring kitang ama. Tinuring kitang ama pero anong ginawa mo?! Binaboy mo ako?!" Tiningnan ko siya gamit ang mga mata kong nanlilisik na sa sobrang galit.
"BUHAY MO,SAGOT MO Tito Niko." Mahina pero may diin na sabi ko.
"Sa tingin mo Tito bakit ka andito? Anong ginawa mo sa akin limang taon na ang nakalipas?!" Wala akong maramdaman. Namamanhid ako sa sobrang galit.
Patuloy sa pag agos ang mga luha ko pero hindi ko alam kung bakit.
"Itigil mo na ito. Wala akong alam sa sinasabi mo." Tanginang wala siyang alam.
Napahiyaw siya sa sakit ng walang pasabi kong saksakin ang kaliwang balikat niya.
"Sinungaling ka! Aminin mo ang ginawa mong hayop ka!" Nagpupuyos sa galit na sinaksak ko muli ang balikat niya
"Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadyang gahasain ka!" Tuloy tuloy na paghagulgol ang narinig ko sa kanya
"Hindi mo sinasadya?! Ano yon?! Isang araw paggising mo libog ka na lang?! Sinadya mo yon! Kasi kung hindi mo sinasadya hindi mo uulit ulitin yon!" Mas idiniin ko pa ang kutsilyong nakabaon sa balikat niya
"Walang hiya ka Nikolo! Bakit mo ginawa yan sa anak ko!" Pag iyak ng aking ina.
"Manahimik ka!" Pagpapatahimik ko sa nanay kong akala mo kung sinong santo.
Hinugot ko ang kutsilyong nakabaon sa balikat njya at sinaksak naman ito sa kaliwang hita niya.
"Kulang ang kamatayan mo bilang kabayaran sa ginawa mong hayop ka!" Muli kong hinugot ang patalim at tsaka ibinaon muli sa hita niya.
"Hindi maibabalik ng paumanhin mo ang pagkatao kong sinira mo!" Sinaksak ko ng paulit ulit ang hita niya.
Hindi ako tumigil hanggang hindi ko nakikitang durog ang laman ng kanyang hita.
"Ang baboy baboy mo!" Nanghihina akong napaluhod sa sahig habang ngumangawa na parang isang bata.
"Binaboy mo ako! Wala kang awa! Demonyo ka!" Paulit ulit na sigaw ko.
Para na akong mawawala sa sarili kong katinuan.
Kung meron pa man akong katinuang natitira sa katawan.
Ang pagiyak ko ay biglang napalitan ng isang malakas na halakhak.
Pagbabayaran nilang lahat toh.
Muli akong tumayo at hinugot ang patalim na naiwang nakabaon sa hita niya at tsaka sinaksak ito sa parte ng katawan niyang ginamit niya para babuyin ako.
"Putanginaaaaaaa!" Sigaw niya.
Bagay yan sayo dahil inabuso mo ang gamit ng pagkalalaki mo.
Sinaksak ko siya muli doon ng tatlong beses sunod sunod.
"Kulang yan sa kademonyohan mo." Bulong ko sa kanya bago hiwain ang kaliwang bahagi ng dibdib niya.
"Aaaah" napahiyaw siya ng tuluyan kong hiwain ang balat niya.
Humalakhak ako ng mailabas ko ang mapula niyang puso na tumitibok pa.
"May puso ka palang tarantado ka?" Humahalakhak na wika ko bago ibaon ang patalim sa ulo niya.