Post Credits

2.3K 73 15
                                    

Post Credits

Biglang dumating ang pulisya, kasama ang pulis na naka-assign sa kaso na si Police Officer Frederick.

P. Frederick: Anong nangyari dito?

Kasamahan: Sir, bagong biktima.

Agad na nilapitan ng mga photographer ang bangkay at kinunan ng mga litrato.

Hindi nagtagal ay dumating na ang ambulansya.

P. Gregory: Sir, pumunta na po akong control room pero wala na naman pong nakuhang footage ang mga CCTV Camera.

P. Frederick: Sige, hayaan niyo na. I'm expecting that already. Maiwan na muna kayo dito ni Juanillo. Makakaalis lang kayo kung malinis na ang lahat dito. Maliwanag?

P. Gregory: Opo sir.

Agad na umalis ang pinunong pulis at tuluyang nilisan ang lugar.

Pagdating naman ng ambulansya ay agad na nilabas nila ang stretcher at isang malaking body bag.

Nang tapos na ang mga photographer, nang nakunan na nila ang dapat nilang kunan ay hinayaan na nila ang mga taga-ospital na ligpitin ang bangkay. Ipinasok muna nilang muli ang mga bitukang nakalabas sa loob ng katawan ng biktima saka tuluyang ipinasok sa loob ng bag.

Pagkatapos ay isinakay na nila ito sa stretcher at inakyat sa loob ng ambulansya at itinakbo sa ospital ang wala ng buhay na katawan ni...

Manong Rafael.


" WAKAS "


Matakot Ka! (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon