Chapter 25
Kinagabihan ay lumibot ang tauhan ni Sr. Fernando sa buong siyudad. Naghahanap ng mga bibiktimahin, kailangan nilang makahanap ng mga bata, kung hindi ay sila ang malalagot sa kanilang amo. Pumunta sila kung saan may mga pulubing mga bata, sa mga madidilim na iskinita.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iikot ay may nakita silang batang lalaki naglalakad nang mag-isa. Agad silang huminto, binuksan ang bintana ng kanilang sasakyan at tinawag ang walang kamuwang-muwang na bata.
Tauhan: Bata! Pssst! Bata!
Lumingon naman ito at lumapit.
Bata 1: Bakit po?
Tauhan: Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?
Bata 1: Opo.
Tauhan: Halika, sumama ka sa amin, papakainin ka namin.
Sa sobrang gutom ay nabighani naman ang batang walang kamalay-malay at sumama kaagad. Sumakay ito ng kotse nang kusang loob.
Pinakain din naman talaga nila ang bata sa loob ng sasakyan.
Bata 1: Bakit ninyo po ako pinapakain? Sino po ba kayo?
Tauhan: Kasi makakatulong 'yan sa ipapagawa namin sa iyo mamaya.
Bata 1: Ano po 'yon?
Tauhan: Basta, kumain ka na lang.
Sumunod naman ang bata at nagpatuloy sa paglamon ng kanyang pagkain na nakalagay lang sa isang supot.
Pumunta naman sila sa isang squatters' area. Bumaba ang isa sa kanila at pumasok sa makitid na daan ng lugar na iyon.
Tumuloy siya sa isang maliit na bahay na kung titingnan mo ay konting ihip na lang ng hangin ay tutumba na ito.
Kumatok siya at pinagbuksan naman siya ng isang babae na may hawak na bagong silang na sanggol.
Tauhan: Ano? Nasaan na?
Naiiyak-iyak pa ang nasasaktan na ina habang ipinakita sa bisita nila ang kanyang pitong taong gulang na anak na babae.
Bata 2: Nay sino po siya?
Ina: Anak, sumama ka muna sa kanya. Huwag kang mag-alala, ipapasyal ka lang naman niya eh, ha. Tapos susunduin na lang kita bukas. Bibilhan ka niya ng mga magagandang damit, mga laruan at masasarap na pagkain. Hindi ba 'yun ang gusto mo?
Wika ng ina sa anak habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na lumuha.
Bata 2: Ayoko po.
Ina: Sige na anak, promise. Susunduin kita bukas. Sumama ka na muna sa kanya ngayon.
Bago ibigay nang tuluyan ng ina ang anak sa iba ay may hiningi muna siya rito... pabulong.
Ina: Ipangako niyo po sa akin na mamahalin po siya ng aampon sa kanya.
Tauhan: Makakaasa ka.
Sabay abot ng isang sobre ng pera.
Ina: Sige na anak.
Kahit na ayaw sumama ng bata ay wala ring nagawa ang nasasaktan na ina na ibigay ang anak sa iba sa sobrang hirap ng buhay. Binuhat na lang ng lalaki ang batang babae papuntang kotse dahil nga sa ayaw nitong sumama.
Pagdating sa loob ng kotse....
Tauhan: Tumahimik ka kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo!
Sa sobrang takot ay tumahimik na lang ang kawawang bata.
Kailangan pa nila ng dalawa. Edad 9 at 10. Dahil nga sa wala silang maimbitang mga bata kasi nga halos lahat ay tumatangging sumama, kaya naman ay dinukot na lang nila ang isang batang lalaki na bumili lang ng ballot sa kanto at isang batang babae na nagtitinda ng sampaguita na pauwi na sana.
At ikinulong nila ang apat sa isang madilim na kwarto.
BINABASA MO ANG
Matakot Ka! (Book 2)
HororMuli, sa pangalawang pagkakataon, mula sa malikot na imahinasyon ay nabuo na naman ang isang libro na naglalaman na ngayon ng hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo kundi apat na kwento na siyang mapaglilibangan ninyo tuwing bakanteng o...