Chapter 29

1.6K 53 0
                                    

Chapter 29

    Agad na tinawagan ni Sr. Fernando ang asawa sa bahay gamit ang kakaimbento at kakasikat lang na automobile phone.

     Sa mansyon....

Katulong: Ma'am telepono po.

Magdallena: Ai salamat. Yaya, pakibantayan na lang si baby ha.

     Lumabas siya sa kanilang kwarto at iniwan ang anak sa katulong at sinagot ang telepono.

Magdallena: Hello? Hon, okay ka lang?

Sr. Fernando: Umalis na kayo ng bata diyan. Aalis tayong ngayong gabi, lilipad tayo pabalik sa States.

Magdallena: Ano bang nangyayari?

Sr. Fernando: Sundin mo na lang ako! Mag-impake na kayo at umalis na kayo diyan!

     Nagulat si Magdallena nang binagsakan siya ng telepono ng asawa. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero nanginginig na siya sa sobrang nerbyos. Agad siyang bumalik sa kwarto at gumulantang sa kanya ang patay na katawan ng katulong na nasa sahig. Nakadilat ang mata at nakabuka ang bibig, putlang putla.

Magdallena: Aaaaahhhhhhhh......!!!!!!!!

     Kukunin na sana niya ang kanyang anak sa kama, nang nagpakita ang kaluluwa ni Engineer Kumura sa kanya nakalutang malapit sa anak niya.

Magdallena: Aaaaahhhhhhhhh....!!!!!!

     Samantala, nagmamadaling magmaneho si Sr. Fernando patungong mansyon nang sa pagmamaneho niya ay biglang nagpakita ang mga kaluluwa ng mga batang pinaslang niya noon. Ang isa ay katabi niya at ang tatlo naman ay nasa likuran niya. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. Nagulat ang negosyante na muntik na niyang ikinamatay, nawalan kasi siya nang kontrol sa manibela. Pa ekis - ekis ang takbo ng kanyang kotse hanggang sa mabalik niya ito sa normal, at nang tingnan niya ulit ang mga bata ay wala na ang mga ito.

     Pagdating niya sa bahay ay sumalubong sa kanya ang nakabukas nilang gate at sa pagbaba niya sa kotse ay sumurpresa sa kanya ang mga patay na mga katawan ng mga guwardiya sa buong mansyon. Lahat sila ay nakadilat at nakabuka ang bibig, putlang putla.

Sr. Fernando: Magdallena.

     At nagmadali siyang pumasok sa loob ng napakalaking bahay nila.

Matakot Ka! (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon