Mensahe ng Sumulat
Sa mga mahal kong mambabasa, maraming salamat sa pagtangkilik at paglaan ninyo ng inyong panahon sa pagbabasa ng kwento kong ito. Pero bago kayo magpatuloy sa susunod na pahina at tuluyang paganahin ang imahinasyon at pumasok sa mundo ng kababalaghan at katatakutan ay hayaan ninyo munang ihatid ko sa inyo ang aking mensahe at paalala.
Ang aklat na ito ay walang koneksyon sa kahit na kaninong buhay na tao, mapaartista, pulitiko o maging normal na tao man. Ito ay walang bahid na katotohanan at pawang kathang-isip lamang. Nais ko pa ring itanim sa inyong mga puso na ang dasal at pananalig sa Puong Maykapal na siyang naglikha ng lahat ang pinakamabisang sandata laban sa takot at pangamba na nararamdaman natin sa mundong ibabaw na ito.
Ang misyon ng librong ito ay ang malibang kayo sa tuwing bakanteng oras ninyo. Binabalaan ang mahihina ang puso at paniniwala na huwag nang magpatuloy at basahin ang librong ito o kung maari ay dapat ay may patnubay at gabay ng mga magulang lalo na sa mga batang mambabasa.
Nawa'y magustuhan ninyo ang apat na kwentong aking pinaglaanan ng oras at panahon mapaganda lamang ang bawat eksena upang mahalin ninyo ang bawat pahina nito.
Muli ako'y nagpapasalamat sa inyo.
Sumasainyo,
Elthon B. Cabanillas
BINABASA MO ANG
Matakot Ka! (Book 2)
HorrorMuli, sa pangalawang pagkakataon, mula sa malikot na imahinasyon ay nabuo na naman ang isang libro na naglalaman na ngayon ng hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo kundi apat na kwento na siyang mapaglilibangan ninyo tuwing bakanteng o...