Ang Pagdalo

1.9K 36 5
                                    

“…BITCH!”

 

Napahinto sa paglalakad si Yasmine nang bigla siyang tawagin ng ganito ni Rica.

 

Lumapit si Harry kay Rica at bigla niyang binigyan ito ng isang malakas na sampal sa mukha, dahil dito ay natumba si Rica sa sahig, “Umaayos ka sa pananalita mo, Rica!” ang sabi nito. Si Harry ang boyfriend ni Yasmine.

 

Nagawa pang ngumiti nila Jeffrey, Mico at Susan habang pinapanuod ang kawawang si Rica. Nasa loob sila ng isang lumang gym.

 

Hindi naman nagustuhan ni Rica ang ginawa ni Harry sa kanya kaya naman kaagad siyang tumayo at galit na galit na pinangsasampal-sampal si Harry, “Hayop ka! Wala kang karapatan para gawin sa akin yun! Wala!” Nagulat si Harry kaya naman napaatras siya at ginamit niya ang kanyang braso para sanggain ang natatanggap na palo.

 

Humarap si Yasmine at siya naman ang walang papigil na hinablot ang buhok ni Rica at malakas na hinila.

 

“Aaaahhh!!!” mabilis ang pangyayari. Muling natumba si Rica sa sahig at sa pagkakataong ito, tumama ang ulo niya sa matigas na sahig.

 

Hindi na muling gumalaw ang katawan ni Rica na pinangamba ni Yasmine. Unti-unti’y may lumabas na dugo mula sa ulo ni Rica.

 

Lumapit si Susan sa uluhang bahagi ni Rica at pinagmasdan ang dugong umaagos palabas, “Oh my God! Yasmine, I think you killed her!”

 

“Stop it, Susan! We’re not so sure…” ang sabi ni Mico at pinaharap niya ang katawan ni Rica. Kumalat na ang dugo sa mukha niya. Inilapat ni Mico ang kaliwang tenga niya sa dibdib ni Rica at may narinig pa siyang pagtibok ng puso.

 

“She’s still alive.” Ang sabi ni Mico.

 

“Guys! I think someone’s coming! Let’s go!” ang anyaya ni Jeffrey at kaagad siyang tumakbo. Sumunod naman si Susan at si Mico.

 

“Yasmine! Yasmine! Ano bang ginagawa mo?!” ang sigaw ni Harry sa girlfriend na hindi maalis ang na-trauma niyang mukha sa katawan ni Rica.

 

“Yasmine….!!!”

 

“…Yasmine?! Yasmine…”

“Huh?!”

“Yasmine, are you alright?”

Mga matang nag-aalala at natatakot na direktang nakatitig sa kanyang ina ang naging sagot ni Yasmine sa katanungan iyun nang magising siya mula sa isang masamang panaginip.

“It’s just a bad dream, honey. Matulog ka na ulit. You need to sleep because a few hours later, magbabyahe ka na going to your summer camp. Kailangan mo ng tulog.”

“Ayokong pumunta, mommy.”

“What?! Is there something wrong? You’ve been doing this 5 summers already and your friends are waiting for you there, bigla kang mag-aayaw. What’s wrong? May dapat ba akong malaman, Yasmine?”

Summer Murders III: Bloody Summer CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon