Ang Rebelasyon

613 29 8
                                    

Mabilis na pumasok si Yasmine sa isang madilim na kwarto kasunod si Clark. Sa loob, kung saan pulang ilaw lang ang bumibigay liwanag ay nakita ni Yasmine si Dianne na nakaposas sa isang upuan.

“Dianne!” ang lapit ni Yasmine dito…

“Yasmine?!” at nag-iba ang mukha ni Dianne nang makita niya si Clark.

“Bakit Dianne?” ang pagtataka ni Yasmine.

“Si Clark ang killer, Yasmine! Siya ang totoong killer!” ang sigaw ni Dianne, “…umalis ka na dito, Yasmine. Iligtas mo ang sarili mo…huhuhu”

“What?!” at nang humarap si Yasmine kay Clark ay nakangiti ito na tila demonyo lalo na dahil sa pulang ilaw na sumisinag sa mukha niya.

“Surprise…” ang pabirong sabi ni Clark.

“What the hell, Clark!” lumapit si Yasmine kay Clark at sinampal ito. Nagalit si Clark at sinakal niya si Yasmine. Galit na galit lalo niya itong hinihigpitan.

“Aaaahhh…aaakkk! Hi-hindi ako makahinga…”

Sabay tinulak ni Clark si Yasmine at napaupo ito sa harap ni Dianne.

“Tama na. Clark! Hindi ikaw ito…” ang umiiyak na sabi ni Dianne. Natakot na rin si Yasmine at umiyak.

“Bakit mo ba kasi ito ginagawa, ha, Clark? Huhuhu… Dahil ba kay Rica?” ang tanong ni Yasmine.

“Oo, dahil mahal ko siya. At pinatay niyo ang kaisa-isa kong minamahal. Anong klase kayong kaibigan? Tinago niyo pa sa akin?! Mga hayop!”

Mula sa mga gamit ni Clark ay kinuha niya ang kutsilyo. Ito ang kutsilyo na nakuha niya kay Mico.

“Hindi kami ang pumatay kay Rica!”

“Tumigil ka, wag ka nang magsinungaling Yasmine, ikaw na lang ang natitira oh? Baka pinatay na ni Jessica si Jeffrey, yung akala nating killer…HAHAHAHAHA!!!” at pinaikot-ikot ni Clark ang kutsilyo sa liwanag ng pulang ilaw.

“Anong gagawin mo?” ang natatakot na sabi ni Yasmine habang tinatago niya ang sarili sa paanan ni Dianne.

“Hala… Hindi mo alam, Yasmine. Papatayin na kita…” sabay tawa ni Clark, “…hahahahaha!!!”

Tumayo si Yasmine at mabilis na tumakbo palabas ng pintuan. Naabutan siya ni Clark at sinaksak siya sa tagiliran ng kutsilyo, “Aaaahhh!!!” ang sakit na naramdaman ni Yasmine.

Samantalang si Dianne, sa kakagalaw niya ng kamay ay tila lumuluwang na ang tali.

Hinugot ni Clark ang kutsilyo at hinila niya si Yasmine at tinulak. Natumba na naman si Yasmine, at sa pagkakataong ito ay may natabig siyang lumang container na tila may lamang tubig.

Papalapit na si Clark kay Yasmine, hindi alam ni Yasmine ang gagawin. Pilit niyang hinahawakan ang kanyang sugat sa tagiliran, hindi ito mahinto sa pagdugo.

“Papatayin na kita, Yasmine, kagaya ng pagpatay mo kay Rica…”

“Hindi ako ang pumatay… Wala kaming kinalaman sa pagkamatay niya…huhuhuhu….”

Iniangat na ni Clark ang hawak na kutsilyo at bago pa niya sana saksakin ang bungo ni Yasmine ay sumigaw si Dianne.

“AKO! AKO ANG TOTOONG PUMATAY KAY RICA!!!!!!!”

Ito ang sinigaw ni Dianne na may matinding pagluha. Napahinto si Clark sa gagawin niya, gulat na gulat sa kanyang narinig. Maging si Yasmine ay nagulat sa inamin ni Dianne.

Walang tigil sa kaiiyak si Dianne.

“Hindi ako naniniwala sa’yo, Dianne, hindi mo magagawa yun sa best friend mo!”

Summer Murders III: Bloody Summer CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon