Ang Pagpapakita

505 19 1
                                    

“AAAaaaaAAAaaahhhHHHHHHHHHHHHHHhhh!!!!!!!!!!!!!!!”

Hindi alam ni Cathy kung ano ang gagawin niya. Napaatras siya sa corner ng cubicle habang patuloy na umaagos ang tubig mula sa shower. May bahid na ng dugo ang tubig sa sahig dahil sa mga naputol na daliri ni Cathy.

“Huhuhu… Mr. Killer, wa-wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ni Rica. Maawa ka. Wala akong kasalanan… Wag mo akong patayin…” Umiiyak na si Cathy habang unti-unting binubuksan ng killer ang shower curtain.

Mabilis na lumusot si Cathy sa butas sa ilalim ng gilid ng cubicle na nagseseparate ng cubicle na nililiguan ni Cathy sa katabing cubicle. Gumapang siya dito nang nakahubo’t hubad habang umaagos sa kanya ang tubig na nanggagaling sa shower. Ginagamit niya ang siko niya imbes na kamay niya para makagalaw dahil sa naputol nga ang daliri niya at ang hapdi dito’y sariwa pa.

Lumingon si Cathy sa kinatatayuan ng killer ngunit hindi hindi niya na ito nakita dito. Kaba at takot ang nararamdaman ni Cathy habang nagpapakahirap siyang gumapang, “…huhu.”

Paa niya na lang ang natitira sa cubicle na nililiguan niya nang maramdaman niya ang pagpatay ng shower.

Lumingon siya sa likod at nakita ang paa ng killer doon sa mismong cubicle na pinanggalingan niya. Kaagad niyang hinugot ang paa niya bago dumampi ang itak dito. Muntikan na siyang maputulan ng paa, mabuti nlang at sa sahig tumama ang itak ng killer.

Tumayo si Cathy at pinilit abutin ang mga damit niya sa gilid ngunit t-shirt lang ang nakuha niya dahil lumabas na sa cubicle ang killer, “Aaah!” Napasigaw pa siya sa gulat. Mabilis na lumabas si Cathy doon at tumakbo.

Basang-basa si Cathy at ang dugo sa kanyang kamay ay kumakalat na sa kanya. Sinuot niya ang damit na nakuha habang tumatakbo siya sa hallway ng paaralan. Malayo-layo na ang kanyang natakbo. Hindi niya maisip kung saang bahagi siya ng paaralan napunta. Isa itong hallway at puro classroom ang nasa paligid.

Lumingon siya sa pinanggalingan niya at nakitang hindi na sumusunod ang killer. Dahan-dahan siyang naglakad. Hingal na hingal. Patuloy ang pagpatak ng magkahalong tubig at dugo sa sahig. Nanginginig si Cathy, marahil sa lamig at sa takot na nararamdaman.

“Hello?” ang tawag niya dahil wala pa siyang nakikitang iba sa natakbuhan niya. Nakakatakot. Pakiramdam niya’y may mga matang nakatingin sa kanya sa sandaling iyun. Hawak-hawak niya ang kamay na natanggalan ng daliri habang mangiyak-ngiyak siya dahil sa sakit.

Pumasok siya sa isa sa mga classroom. May kakaunting upuan ngunit walang maayos. At ang board ay may bahid pa ng sunog. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Gubat na ang likod ng classroom, puro matataas na puno at masusukal na na kakahuyan. Wala niya pa rin nakikita ang mga kaibigan.

Pagkatalikod niya sa mga bintana’y nagulat na lamang siya nang makita ang killer sa harapan niya!

“AAAaaaaAAAaaahhhHHHHHHHHHHHHHHhhh!!!!!!!!!!!!!!!”

Lalayo pa sana si Cathy ngunit pagkaharap niya’y bintana na lang at wala siyang matakbuhan. Hinawakan ng killer ang ulo niya at malakas na inihampas sa salamin ng bintana, “Aaaahh!!!!” ang sigaw ni Cathy. Dumugo ang noo ni Cathy. Inulit pa ito ng killer hanggang sa mabasag ang salamin.

Ipinatong ng killer ang leeg ni Cathy sa matutulis na salamin na natira sa bintana at malakas niyang diniin ang katawan ni Cathy, “Waag! Aah…ah!” Tumagos ang salamin sa leeg ni Cathy. Tumalsik pa ang dugo sa killer. Patay na si Cathy.

----------

“Cathy? Cathy… Ang shampoo mo oh. Pasensiya ka na kasi… AAAaaahhhhHHHhhh!!!!!!!!!!!!!!!” napaupo pa si Sheena sa lupa habang sumisigaw nang makita niya ang pira-pirasong daliri sa sahig ng banyo at ang mga dugong kumalat, “…ahuhuhu…Cathy…” mabilis siyang tumayo at tumakbo habang natitisod pa siya dahil sa nginig at takot na nararamdaman.

Summer Murders III: Bloody Summer CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon