Ang Hinala

630 25 3
                                    

Sumapit na ang umaga sa Green Rivers Hill. Pare-pareho silang nakatulog nang magkakatabi sa loob ng isang lumang classroom. Doon ay nakaramdam sila ng kaligtasan dahil sa hinarangan nila ang mga bintana at pintuan at nakatulog dala ng pagod.

Nauna nang nagising si Mico. Lumabas siya ng classroom na yun at nakita ang sinag ng araw. Bumalik siya at walang anu-ano’y kinuha niya ang gamit niya at umalis habang iniiwan ang iba na natutulog pa rin. Nagising si Jessica at nakita niya mula sa nakabukas na pintuan ang paalis nang si Mico. Kaagad niya itong sinundan.

“Mico…! Mico, ano ba?!!” ang sigaw ni Jessica hanggang sa makarating sila sa entrance ng eskwelahang iyun. Lumingon si Mico nang huminto siya sa paglalakad.

“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Jessica.

“Aalis na ako dito… Hindi mo ako kayang pigilan, Ms. Jessica.”

“Hintayin nating iba.” Ang pakiusap ni Jessica.

“Ms. Jessica, hindi ko na kaya! Atat na atat na akong umalis dito dahil nasaksihan ko kagabi ang nangyari. Kung paano niya pinatay si Susan nang walang awa. Papatayin rin tayo ng killer gaya ng pagpatay niya kay Susan. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo nakita…”

“Duwag ka, Mico, kung yan lang ang dahilan mo. Marami na akong nakita at nasaksihang pagpatay sa mga kaibigan ko sa mismong harapan ko. Natatakot rin ako. Pero kung ang takot na yun ang mangingibabaw sa’yo, mas lalo mo lang pinahamak ang sarili mo. Bumalik na tayo at pag-isipan natin to…”

“Hindi ako babalik dahil ayokong mamatay!” ang sigaw ni Mico at mabilis siyang tumakbo palabas ng gate ng eskwelahan at dumiretso sa masukal na kakahuyan.

“Mico! Mico!!!” ngunit walang nagawa si Jessica para pigilan si Mico. Lumapit siya sa may gate at doon umupo at sumandig. Kasunod nun ay umiyak siya sa pagitan ng kanyang mga tuhod.

----------

Wala pa nakakalayo si Mico ay nakaramdam na siya ng kaluskos sa paligid niya. Mabilis ito at maliksi.

“Sinong nandiyan?” ang nagtatapang-tapangang sabi ni Mico kahit na halata namang natatakot siya.

“Hayop ka! Bakit mo ‘to ginagawa sa amin?! Gusto mong maghiganti sa pagkamatay ni Rica? Ang tanga mo! Bobo! Hindi kami ang pumatay sa kanya!”

Naglalakad lang si Mico sa damuhan at nakikiramdam. Pawis na pawis na siya at nanlalamig sa takot.

May kinuha siyang maliit na kutsilyo mula sa dala-dalang bag at inangat ito at akmang mananakit. Nakatingin siya sa kanyang kanan nang biglang lumabas ang killer sa kanyang harapan. Lumingon siya sa harapan at nagulat siya nang matindi, “Huh?!!!” Napaatras siya sa damuhan.

“Ikaw ang pumatay kay Susan! Hindi ako natatakot sa’yo… Papatayin rin kita!” Hinigpitan niya lalo ang hawak na kutsilyo at buong tapang na sinugod ang killer na nasa harapan niya, “Aaaahhhh!!!!!!!”

Ngunit wala pa siya nakakalapit sa killer ay may taling sumilo sa kanyang kaliwang paa at mabilis na iniangat siya sa puno, “A-Ano to?” ang nasabi niya habang nakabitin siya nang pabaligtad sa puno.

Pilit siyang kumawala sa pagkakatali habang papalapit sa kanya ang killer na nakaitim na jacket at bonnet sa ulo nito. Dahan-dahang nilabas ng killer ang itak na nakasabit sa kanyang pantalon.

“Anong gagawin mo huh?! Pakawalan mo ako! Paalisin mo ako dito…”

Ang bawat tunog na nagagawa ng hakbang ng killer ay tila kampana ng kamatayan para kay Mico. Mabilis kumabog ang kanyang puso at ang kanyang pawis ay pumapatak sa lupa.

Hawak-hawak ni Mico ang kutsilyo ngunit kahit anong pag-angat na kanyang gawin ay hindi niya maabot ang tali sa kanyang paa. Kinukumpas niya na lamang ang kutsilyo sa hangin upang hindi makalapit ang killer, “Hindi ako natatakot sa iyo… Lumapit ka! Papatayin kita!” at kumpas pa ulit.

Summer Murders III: Bloody Summer CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon