Kabanata 1

375 142 364
                                    

***

Naglakad kami ni Zach sa garden ng school. Nakakagulat nga na ang bungad ng school ay garden na nagsilbing pathway, iyong GCMU kasi ay sementadong daan ang bungad.

Nagupitan ang mga bushes na nasa gilid ng pathway at punong-puno ang paligid ng mga rosas na pula. Paikot ang ayos ng rosas at bushes at nagmistula itong mini maze na mayroong fountain sa gitna. Sa may fountain ay may malaking logo ng school.

The name of the school fits its name because it is really extravagant. The first time I laid my eyes on the school grounds felt different. It's like the air and aura here is different like it's not just your ordinary private school. The insides of the Academy of Elites is truly mind blowing.

"Ate ang gara!" siko sa akin ni Zach nang sabay kaming makapasok sa mismong building ng school.

Hawak namin iyong map ng school na ibinigay sa amin kanina sa may gate, hindi ko nga alam kung paano nila nalamang bago kami, basta may kung anong bagay sila na pinang scan sa ID namin ni Zach saka binigyan kami ng mapa. Masyadong malawak itong school, nakita ko pang meron pa bandang likod.

Nakita namin iyong mga estudyante na nakapila sa tatlong elevator sa ground floor ng building na pinasukan namin.

Ang inaasahan ko ay mga mukhang nerd sila dito, iyong tipong may mga salamin at may hawak na malalaking libro pero they just looked like normal students to me aside from their different aura.

Tinignan ko ulit iyong guide map na ibinigay sa amin, dito sa bandang baba pala iyong mga faculty at banda sa taas na iyong mga classroom. I spotted my section which is 1A-Harrington, I am maybe not as formal like the people here but I am proud to say that I am placed in the first section.

Paano ko nalaman? Well may nakapaint sa wall dito sa bandang left ng ground floor kung ano ang mga different sections. Sa bandang right naman ay iyong guide sa buong building.

Itinago ko nalang sa bag iyong guide map ng buong school at tumingin nalang sa guide map ng building dahil mas detailed iyon. Bandang fifth floor iyong room ko while Zach is on the second floor.

Sabay kaming pumila sa may elevator na hindi na ganoon kahaba ang pila. Sa pilahan palang ay naririnig ko ang bulungan at nahuhuli ko rin ang pagtingin sa amin ni Zach ng mga estudyante.

"De Chavez," Rinig kong bulong ng kung sino sa malapit.

I am not really shocked that they knew us. Actually, matunog talaga ang apelyido namin.

"That's Zachary Daxian, right?" sinulyapan ko si Zach na mayroong ngisi sa mga labi.

Malamang ay narinig niya rin iyon. Ipagyayabang niya na naman sa akin na sikat siya. Ngayon lang ako magpapasalamat na hindi namin kasama ang mga pinsan namin lalong-lalo na si Hunter dahil hindi ko kakayanin kung magsasabay sila ng kahanginan.

"Yeah. And Khloe Cassandra." Hindi ko alam kung bakit pa nila pilit na pinapahina ang boses e naririnig ko naman sila. Loud and clear.

Hindi naman nagtagal ang pila namin dahil mabilis iyong elevator.

"Goodluck." Sabi ko kay Zach nang nakarating na siya sa floor niya. Ako naman ay kasalukuyang naglalakad papunta sa pinakadulo ng room ng floor namin. Nakasalubong ko ang mga estudyante na nakasandal sa railings. Mostly boys.

"Uy de Chavez!" Iyan ang palagi kong naririnig na bulungan nila na hindi ko pinansin dahil sanay na ako sa ganoon.

"One time ko lang yan nakita pero ang ganda pala pag malapit 'no?"

"Just wait for her cousins, Sam and Maz, the sisters. Magaganda rin yun."

"Gagi nag-transfer silang lahat dito?"

Between these JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon