***
Nananatiling bagsak ang panga ko sa sinabi ng lalakeng 'to. No one ever told me that they like my lips especially a guy kaya hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya!
And, is it normal to say that to a stranger?
Nag-isip ako saka tinignan ang mga lalakeng nagkakagulo pa rin doon sa harapan. I imagined myself saying the words he said to me but I immediately frowned because I knew to myself that I wouldn't say that to strangers.
They will be probably weirded out by that!
"All of you sit down!" agad akong napatalon sa pagsigaw ng lalake sa harapan. Sa itsura niya, mukhang isa siyang instructor dito sa academy.
Nagkukumahog na dumiretso sa kaniya-kaniyang upuan ang mga estudyanteng nakatayo, may napatid pa kakamadali nila.
Pabagsak na inilagay ng instructor ang kaniyang mga libro sa lamesa at saka itinukod ang dalawang palad doon saka kami tinignan ng masama. Kung pagbabasehan ang itsura niya, mukha siyang nasa between 40's o 50's ng kaniyang edad.
Agad naging iba ang atmospera ng kaninang magulo at maingay na classroom. Napalingon-lingon pa ako dahil halos lahat ng kaklase ko ay nakaupo ng deretso at pare-parehong hindi nakadikit ang kanilang likuran sa upuan. Ang mga babae ay nakadekwatro lahat habang iyong mga lalake naman ay nasa lapag lang ang mga paa, ni wala mang isang nakaunat ng binti.
Siguro ay ganoon talaga ang mga estudyante dito kapag oras na ng klase, napakapormal nila at napakapino ng kanilang paggalaw.
Ginaya ko nalang rin ang ayos ng mga babae dahil baka mapagalitan ako ng instructor.
"I don't want students that are noisy and not attentive. That's my only rule here in my class. If you didn't want to follow my rules, feel free to leave, the door is wide open," panimula ng kadarating na instructor.
"Okay, sir!" sabay sabay na sagot nila. Inilibot ko ang mga mata ko at mukhang naligaw lang talaga ako dito. Akala ko ay hindi na dapat sumagot pero mukhang kapag nagsasalita ang instructor ay kailangang sumagot.
Sa dati ko kasing school ay hindi naman na kami sumasagot. Hindi naman niya kasi tinanong kung naiintindihan ba namin, diba?
Pati si Louis na kanina ay napakahyper at weird ay biglang nagbago ang aura.
Ganito rin ba ang mangyayari sa akin dito?
Napatango-tango ang instructor na nasa harapan na tila ba kumbinsidong naiintindihan ng lahat ang rules niya. "Good then."
May kinuha siya sa bulsa niya na maliit na bagay na hindi ko alam kung ano pero ng oras na pinindot niya iyon ay biglang nag dim ang ilaw sa room at nagflash ang maliwanag na screen sa harap.
"Before I start the lesson..."
May lesson agad?! Ito lang yata ang school na nagle-lesson agad first day palang! Usually ay introduce yourself lang ang nagaganap lalo na at bago iyong mga teachers or kung hindi naman ay para sa mga transferees.
Ibig bang sabihin ay wala man lang introduce yourself dito? Bahala na ba akong kumilala sa mga kaklase ko, ganoon ba?
"I'm Charles Rodriguez and I'll be your instructor for this semester..."
Konti lang ang sinabi ng instructor tungkol sa sarili niya like where he finished his studies, achievements, and pinaalala lang ulit yung mga rules niya.
Idinagdag niya rin pala na kapag nasuway yung rules niya ay deretso agad kami sa guidance at deretsong isang bilang agad ng offense.
Wala akong balak ma guidance kaya naman sisiguraduhin kong lagi akong susunod.
BINABASA MO ANG
Between these Jerks
Teen FictionWho would 've thought that the almost perfect life of Khloe Cassandra de Chavez will be ruined by the two guys that she just met whom she labeled the two jerks in her life. Lyndon Dhaze Suarez, son of the owner of Academy of Elites where she was enr...