Kabanata 3

275 129 251
                                    

***

Naiwan akong nakatayo pa rin sa pintuan habang hinihintay yung instructor na lumabas. Hindi ako makapaniwalang iniwan ako ng lalakeng iyon dito pagkatapos niya sabihin yun.

Well mas mainam na iyon dahil ayoko na ring makipagsagutan sa kaniya.

Napaayos ako agad ng tayo nang tumunog yung door knob at iniluwa ng pinto si sir. Para akong tuod sa ayos dahil natatakot pa rin ako.

"Where's the guy you are with?" tanong niya habang isinasara yung pintuan.

Napalunok pa ako dahil mukhang galit pa rin siya.

"I d-don't know, sir. He left earlier," nangangatal na sabi ko.

Napakunot ang noo niya at nagsulubong ang kilay. Gumala ang paningin niya sa pasilyo na tila ba hinahanap niya yung kasama ko kanina saka bumalik ulit sa akin.

"Find him before you go to the Discplinary Office."

"S–"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mag-ring yung phone ni sir. Tinap niya yung nasa tenga niya saka naglakad na papalayo habang may kausap. Ako naman ay naiwan na namang mag-isa doon.

Kung kanina ay masaya ako noong umalis ang lalakeng 'yon ngayon ay hindi na, kailangan ko pa tuloy siyang hanapin dito sa academy e hindi nga ako pamilyar dito.

Bumalik ako sa loob ng classroom at dumiretso agad sa upuan ko. Nang makita pa ako ni Louis ay nilapitan niya ako agad since wala si Lyndon sa upuan niya ay inusog niya iyon saka pinunta iyong upuan sa may lamesa ko.

"Bakit may ganoong eksena?" interesadong-intersadong tanong niya.

Hindi ko siya pinansin dahil hinahanap ko iyong map sa bag ko na ibinigay sa amin kanina ni Zach doon sa may gate. Ayaw ko naman ng bumaba pa ng first floor kahit nandoon yung detailed map ng school.

"Hoy!" kalabit niya pa sa akin kaya napabuntong-hininga ako at tumigil sa paghahanap. Hinarap ko siya saka pumangalumbaba, siguro ay mukhang problemadong problemado ako sa paningin niya dahil napakunot yung noo niya.

"Wala akong kasalanan do'n," sabi ko tapos inilipat ang paningin sa may harapan ko. Napairap ako nang makita ang likuran ni Alenna. Ang sarap hilain ng buhok niya, nakakainis!

Napahalakhak si Louis doon sa may gilid kaya napabalik ulit ang tingin ko sa kaniya. Inikot-ikot niya yung buhok niya doon sa daliri niya at mukha siyang tuwang-tuwa.

"Carol!" bigla niya nalang sigaw. Hinanap ng mata ko ang sinasabi niyang Carol na siya ring kinikwento niya sa akin na nag-picture sa amin ni Zach.

May tumayong matangkad na babae, sinundan ko ang mga mata niya kung kanino nakatingin at kumpiramdong si Carol nga ito dahil nakatingin siya kay Louis. Napalingon din naman siya sa akin tsaka niya ako nginitian.

Kulot ang dulo ng buhok nito na umabot hanggang bewang at maganda ang mukha kahit walang kolorete. Nang makalapit siya sa amin ay doon siya sumiksik sa may upuan ni Louis.

"Hanap ka nga ng upuan mo," sabi ni Louis saka tinulak si Carol doon pero bumalik din naman siya. Mukha silang may sariling mundo sa gilid ko habang nagtutulakan doon sa may upuan. Mukhang close na close rin sila dahil kahit na tinutulak ni Louis iyong Carol ay tumatawa lang ito.

"Hoy, Adriane! Doon ka muna sa upuan ni Carol." Bigla bigla nalang pagtawag ni Louis do'n sa lalake.

Inismiran lang naman sila noong Adriane na sinasabi nila. Napaawang ang labi ni Louis ng hindi siya pansinin ng lalake.

"Aba! Akala mo hindi tayo nagmahalan dati, ah!" Napatawa ng malakas si Carol saka sumama na rin sa panunukso nito.

"Oo nga, ipapahiram lang naman sa akin yung upuan hindi pa magawa. Parang hindi ex ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between these JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon