A Place in Time (1)

501K 5.8K 486
                                    

Naririnig ko na naman siya.

          Siguro nga sanay na sanay na akong naririnig ang tunog na iyon. Sa dinalas-dalas ko ba naman dito ay hindi malabong alam na alam ko na ang ganung tunog. Iba na nga siguro kung volunteer ka. Hindi naman sa nagsasawa na ako, pero tuwing naririnig ko lang kasi ang tunog na iyon ay parang—hindi lang tunog na parang nagyayaya ng tao pumasok sa loob. Para kasing tuwing naririnig ko siya ay may isang bagong… ano na nga ba iyon?

Bagong paalala.

          Volunteer ang pamilya namin simula pa noong bata pa ako. Sabi ng mga magulang ko, mas mabuti daw na nakakatulong ka. Alam kong hindi na karaniwan sa mga tao ngayon na nagsasalita ng ganyan pero para sa mga magulang ko, ganun na nga talaga ang pananaw nila sa buhay.

          I started singing when I was four. Don’t get me wrong. Nung sinabi kong singing, I meant:

          “Sapagkat sa ‘yo nagmumula

          Ang kaharian at kapangyarihan

          At kapurihan

          Magpakailanman, Amen.”

          Yeah, singing—as in church choir. Religious kasi ang parents ko. Sinasama na nila ako sa simbahan bata pa lang ako. Minsan kapag walang pasok, pumupunta ako sa Day care malapit doon sa gilid ng simbahan para magbasa sa mga bata o kaya naman tumulong kung may gagawin doon.

          Nakalakihan ko na iyon. Nung una, kasali pa ako sa weekend Bible study at tuwang-tuwa pa ako noon. Nung lumaki na ako, ako na ang nag-assist sa ibang mga nagtuturo doon.

          But I am not four or even 10 years old. I’m 15 at third year high school na ako sa pasukan.

          I have been an only child. Kaya nga siguro ganun na lang kung ibuhos ng mga  magulang ko ang attention nila sa akin. I was adopted at hindi ako nalulungkot na ganun. Sinabi naman nila sa akin ng maaga pa at in-explain nila na walang magbabago sa pagtingin nila sa akin. Hindi sila magkaanak, kaya nag-ampon na lang sila. And magic, ako na iyon.

          Mahal na mahal ko ang Mama at Papa ko at hinding-hindi na magbabago iyon. Lagi nilang sinasabi na “gift from above” daw ako. Siguro nga ang hindi nila pagkakaanak ang dahilan kung bakit naging religious ang parents ko. Noon kasi na hindi pa nila ako inaampon, lagi daw silang nasa simbahan at nagdadasal na sana bigyan sila ng anak. Natanggap naman nila na baka sa ibang pamamaraan Niya gusto na ipamahagi ang pagmamahal nila.

          So enough about the past. I am not really here to talk about what happened then kung hindi kung ano na ako ngayon at kung anong relevance ng family background ko on what I have to share. It all started that one morning na makita ko si Mama na nakahawak doon sa lababo namin...

          “Mama, okay ka lang?” tinanong ko siya pagkatapos kong himasin iyong likod niya.

          Bakasyon pa namin noong umaga na iyon pero ang aga-aga kong nagising dahil naririnig ko siya. Kinuha ko lang iyong salamin ko bago ako lumabas sa kuwarto ko. “Oo naman anak. Ayos lang ako.  Nasobrahan lang siguro ng kain ng seafood kagabi,” ang naisagot lang ni Mama sa akin.

          Pagkatapos niyang sinabi iyon ay yumuko na uli siya doon sa lababo. Siguro naman ay alam niyo na kung ano ang kasunod nun.

          Nakakaawa naman talaga ng mama ko. Ang aga-aga tapos ganun na.

          Dahil na rin sa hindi na ako makatulog, kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan ko ang bestfriend ko. Hindi rin naman nagtagal ay may sumagot din naman. Mukhang bagong gising pa siya sa tunog niya sa telepono. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi—past-six pa lang ng umaga.

A Place in Time (PUBLISHED 2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon