Chapter Four
May benefit din kapag may bestfriend ka. Pero may mga times na perwisyo rin. Katulad ngayon, tama bang isali ako sa kalokohan niya? Hindi naman ako naghahanap ng date eh. At lalung-lalo na wala ring balak maghanap.
Kumain kami sa bahay nila. Nung pumasok kami ng hapon ay ganun na naman ang scenario sa school at naki-deal na naman ako kay Arwyn. Mukhang bagong ligo nga si Arwyn nun dahil ang bango-bango niya at iba na yung suot niyang t-shirt. Puti pa rin, pero may print na. Kahit na nakakabwisit din naman yang si Arwyn, alam pa rin naman niya ang proper hygiene.
Nung uwian ng first day of school, tumambay sa bahay ko si Tjay. Ayaw daw niya munang umuwi at baka makita pa daw ng Kuya niya nagkakaroon daw siya ng mental breakdown. Nung tinanong ko kung anong mental breakdown, ito ba naman ang isinagot sa akin:
"Shay.." parang malungkot na di mo maintindihan yung boses niya, "Alam mo desperate na talaga ako magka-date. Hindi lang naman ito dahil sa pera eh. Third year high school na tayo pero wala tayong experience sa ganyan. Ano tayo napapag-iwanan?”
Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Tama ba yung naririnig ko? Si Tjay ba talaga ito? Yung Valedictorian namin?
"Desperate? Talaga bang narinig ko yung saling 'desperate' at 'date' na ginamit mo sa isang sentence?" inulit ko pa sa kanya para i-clarify kung hindi lang ba ako nabibingi.
"Ano ka ba, seryoso ako," nakita ko na seryosong-seryoso si Tjay, "Nalulungkot lang ako. Kasi tignan mo, compared kina-Stef, kay Maya, Jill…ano tayo? Sila kaliwa't kanan may nanliligaw. Tapos minsan kapag nagkakaroon ng usapang pambabae sa school, naririnig kong problema nila lovelife."
May crisis nga yata si Tjay itong point na ito ng buhay niya. Mukhang nawawala na sa lugar yung mga sinasabi eh, "Mabuti nga wala tayong pinoproblema na ganun eh..." sagot ko naman sa kanya tapos humiga ako sa kama ko.
"Yun na nga eh, wala tayong heart problems kasi hindi naman tayo nagka-lovelife." humiga siya kasabay ako, "We're such losers. Hindi ba mas okay na magka-problema naman kahit kaunti na may kinalaman sa lovelife?"
Natawa ako nun. Hinampas ko yung unan sa mukha niya kaya lang inalis niya uli. Tumatawa na siya nun. "Ilang taon mong pinag-aralan yang English na yan?" gusto ko lang patawanin si Tjay kapag nagiging super seryoso siya. Hindi kasi ako sanay eh.
Sa totoo lang, may point din si Tjay. Siguro nga may gift kami na "brains" sa school. Siguro nga sumobra kami sa brains, pero masyado naman kaming kumulang sa alam pagdating sa whole "dating" thing. Wala kasing nanligaw sa amin—at tiyak wala ring magbabalak. I mean, may mga nagkacrush sa amin, pero crush yun. Ewan ko ba bakit napakabig deal ng lovelife kapag high school ka.
Nung sumunod na araw, maaga ako ng pumasok sa room. Nakaupo na ako nun sa upuan ko at yung ibang classmates namin eh binati na ako ng 'Good Morning.’
Hindi naman nagtagal, dumami na kami. Wala kaming alarm sa school hindi katulad ng ibang schools na alarm lang, alam mong time na. Kami bell. Kung hindi man mag-bell, basta pumasok yung teacher, yun na yung sinasabing time.
Anyway, pumasok naman na si Arwyn nun. This time, hindi naman siya late. Wala pa kasi yung teacher nun. Dami ngang girls sa class namin na bumati sa kanya, tapos ngumiti lang siya. Yung pwede nang toothpaste commercial na smile.
Sinimangutan ko nga eh. Kaya lang tumingin doon sa direksiyon ko. Sabagay titingin nga yun dito, dahil katabi ko nga yung upuan niya. Kaya lang imbis na dumeretso ng upo, tumayo ba naman sa harap ko, at nilagay niya yung kamay doon sa notebook ko kaya natatakpan yung sinusulat ko.
Tumingala naman ako.
"Ano na namang problema mo Velasco?!?" Velasco ang last name ni Arwyn.
"Good morning to you too!" sagot naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Place in Time (PUBLISHED 2013)
Teen FictionSynopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terrence has always been the enigmatic, aloof, talented and temperamental older brother of her best frien...