Chapter Three
I can't believe this guy. Hindi niya talaga ako kilala? Kung sabagay, hindi pa naman talaga kami nakakapag-usap niyan kaya hindi ko naman talaga siya masisisi. Madalas kapag nasa bahay ako nila Tjay, nasa kwarto lang siya at hindi lumalabas. So I'm just Shaylie, the church girl.
Tumawa na lang ako ng pilit.
"Oo nga, ako yun."
Bigla na lang na may dumating kaya sabay-sabay kaming tumingin na tatlo. Nagulat nga ako kasi napahawak na lang akong bigla sa dibdib ko.
"Ano ba naman ito at kanina pa ako nakatayo doon!" tinuro niya yung railings papunta doon sa cafeteria namin.
"Sorry kasi... ano eh..." tinuro ko yung dalawa kaya lang parang hindi ko maisip kung anong sasabihin ko.
"Hi Arwyn!" kumaway naman ang bruha kay Arwyn.
Ito namang si Terrence, parang hindi mapakali sa nakita niya. Bigla na lang hinarangan si Tjay sa paglapit kay Arwyn.
"'Wag ka ngang maarte diyan!" sinabi naman niya kaagad.
Si Tjay naman, halata mong nagulat na nanduon pala ang Kuya niya. Dinaan na lang din niya sa ngiti na parang ako lang din kanina.
"O Kuya, nandiyan ka pala!" tumingin siya sa akin, "Nga pala, naalala mo si Shay?"
Mabilis namang sumagot si Terrence, "Oo. Kakakilala lang namin."
"Engot ka ba? Matagal mo na siyang kilala."
"Kilala ko siya sa mukha, hindi sa pangalan. Siya nga yung kumakanta sa simbahan." nagkunut-noo pa siya, "At ikaw rin yung nagvo-volunteer minsan sa charity work ng simbahan 'di ba?"
Ano pa bang dapat isagot ko?
"Uhm, oo."
Parang hindi makapaniwala si Tjay sa nangyayari nun. Hindi niya yata ma-absorb na sa tinagal-tagal naming mag-bestfriend, hindi talaga ako kilala ng Kuya niya. Well, at least it seems like, he really did not pay attention all that much.
"Teka nga, teka nga..." parang naiinis na si Tjay nun, "ibig mong sabihin... besides sa pagkanta niya sa simbahan at nagvo-volunteer siya, hindi mo na siya kilala?" tanong niya uli sa Kuya niya.
Naging seryoso na ang usapan. Ito namang si Arwyn, biglang sumingit na naman.
"Eh bakit ba kailangang kilala pa itong si Jimenez?"
"Tumigil ka muna diyan," hinawi niya naman si Arwyn, "Ang snobby mo naman Kuya! Hindi mo maalala yung bestfriend ko?"
Nanlaki naman yung mata ni Terrence sa akin. Tinignan niya ako tapos bigla na lang niya akong tinuro. Mukha talaga siyang nagtataka sa sinabi ng kapatid niya.
"Ito bestfriend mo? Kailan pa?"
"Since like..." nag-isip naman si Tjay, "Basta matagal na. Hindi ko na matandaan sa sobrang tagal."
Hinila na ako ni Tjay nun at nagkunwaring inis na siya sa Kuya niya.
Nagpunta na lang kami sa cafeteria para kumain. Ayun, panay ang kuwento niya na nakakaasar daw yun at siya na daw ang nagso-sorry para sa Kuya niya dahil napaka-rude daw. Afterwards, mabilis na pag change topic siya at nauwi kami sa usapan na ang gwapo daw ni Arwyn. Ako naman, sinabi ko na lang na hindi dapat siya magka-crush doon dahil ang sama naman ng ugali.
"Ewan ko ba kung bakit magkabarkada sila eh. Sikat si Arwyn, Kuya ko naman eh hindi. Pero matalino naan si Kuya, si Arwyn uhmm... hindi masyado."
BINABASA MO ANG
A Place in Time (PUBLISHED 2013)
Teen FictionSynopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terrence has always been the enigmatic, aloof, talented and temperamental older brother of her best frien...