Chapter Six
Ang malas ko nga naman talaga. Sa dinami-rami naman kasi ng mawawalan ng date sa sabado, bakit ako pa? Isa pa, saan ako kukuha ng P500 'di ba? Eh baon ko na iyon sa isang buong linggo eh. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain. Hindi naman yata tama yun.
Ayoko rin namang sabihin kay Mama. Buntis yun. Baka sigawan ako eh makasama pa dun sa pinagbubuntis niya. Kay Papa hindi ko rin masabi na kailangan ko ng pera, kapag sinabi ko na dahil wala akong date sa sabado kaya ako magbabayad ng 500 eh baka mahigh-blood yun. Hindi pa kasi niya ako naririnig na nag-boyfriend, niligawan, o nag-date man lang.
Si Tjay lang talaga ang pag-asa ko na magpahiram sa akin ng pera. Tutal siya naman ang nagpasimula nito, siya naman dapat tumulong sa akin na bayaran yun. Dapat nga wala akong bayaran eh. Nakikisakay lang naman ako.
Teka lang. May nag-IM sa akin...
darkcrazy_vampire: hoy
Nung makita ko na si Terrence yun, hindi ko sana sasagutin eh. Kaya lang nag-type na rin ako. Ang babaw ko naman kung magalit pa ako tungkol doon sa salamin ko.
daisies_23: Hoy ka rin.
Sumagot naman siya kaagad. Ang bilis nga eh. Nakakapanibago lang.
darkcrazy_vampire: sumagot ah... himala.
daisies_23: ano bang drama mo quintero?
darkcrazy_vampire: ako wala. si tjay siguro, si mama at si papa baka meron.
Pilosopo masyado. Pilosopo na may halong nakakainis ang dating. Yun si Terrence.
darkcrazy_vampire: ready ka na bukas?
Naitype ko na yung 'hindi pa' kaya lang hindi ko maisend sa kanya. Syempre tiyak malalaman niya 'di ba? Kaya sinagot ko na lang eh...
daisies_23: you'll see.
darkcrazy_vampire: OA niyong mga babae. para yun lang.
daisies_23: eh ganun talaga. iba kami.
Nag-open ako ng isa pang browser para mag-check ng kung anu-ano sa net. Kaya lang nung nakita ko na nakalight-up yung IM box ni Terrence, inuna ko na naman yun.
darkcrazy_vampire: bye.
As in yun lang. Nag-bye na siya. Ni-wala man lang, 'matutulog na ako ah, bye.' o kaya naman simpleng,'Pagod na ko. Bye.' eh bigla na lang.. 'Bye'. Ano yun?!?
I swear kailangan talagang magpa-DNA test ng magkapatid na yun. Baka kasi may nagkapalit na anak or something sa hospital.
Nag-check lang ako ng mail ko. Nag-stay pa ako for another 30 minutes at naglalaro lang ako ng online game. Kaya nga nung napagod na yung mata ko kakalaro, naisipan kong matulog na. Past-9 na rin kasi nun.
Nung papatayin ko na yung PC, oddly, yung last box na sinara ko eh IM box ni Terrence.
***
Nakahiga ako nun sa kama ko. Lagpas na ng ala-1 at nakahiga pa rin ako at wala akong ginagawa. Si Tjay bihis na bihis na at si Carlo, yung date niya na sinet-up ng pinsan niya, ay nasa baba at naghihintay sa amin at malamang siguro eh nakikinig sa mga kwento ng nanay ko na buntis. Ganun naman kapag buntis at may hormonal imbalance, kung hindi ka magsusuka, maghahanap ng certain na pagkain, ayaw mo ng amoy nito, ayaw mo ng ayos ng ganyan, sabi ni ganito, at sabi ni ganyan, eh malamang baka mabaliw ka kapag may buntis sa bahay niyo. Sabi nila may wonders daw kapag buntis ka. Then I realized, seriously, nasaan ang wonder sa nanay ko? Ang tanging wonder lang na nag-cross sa isipan ko eh kung magiging ganyan din ako balang araw.
BINABASA MO ANG
A Place in Time (PUBLISHED 2013)
Teen FictionSynopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terrence has always been the enigmatic, aloof, talented and temperamental older brother of her best frien...